THAT WAS SEPTEMBER 9, 2012, around 12AM
At, ka-text ko siya.
“may tanong ako.. mabilis ka ba magsawa?”, ako.
“depende sa bagay.. bakit mo natanong?”, si Alvin.
“hmm.. kasi gusto ko ng kasagutan.. ahe. Waley.”
“eto ang isa sa pinakaayaw ko na ugali, madali ako magsawa. Ganito raw ang may Asperger Syndrome. Pero gusto ko siya ma-overcome.”
“ouch.”
Oo. nung mga oras na yun,
talagang kinabahan ako.
Sabi ko sa sarili ko,
Bakit ngayon ko lang natanong ‘to? O bakit ngayon ko lang 'to nalaman?
Noon pa lang tinanggap ko na siya, lahat ng past niya, buong siya.
Kahit na nagkakaganon siya.
Kahit na sabihin bang nangako siya,
Nagso-sorry ako pero natatakot akong mawala siya.
Di ko sinasabing wala akong tiwala sa mga sinasabi niya,
Pero, ang harapin ang katotohanan, yun ang paano ko matututunan?
“gusto ko siya ma-overcome para sayo.. medyo natatakot ako na magkaganun ako.. pero sabi ko eh depende sa bagay. Hindi ka bagay, tao ka... Io-overcome ko ito.”
Di ko alam kung kaya ko pang maniwala.
Umiiyak na ko ng mga oras na yun.
Sobrang bigat sa pakiramdam.
Yung tipong sa sakit eh nahihirapan akong huminga.
T.T
“kung ito ang sisira sa atin, I will defy this. Neji, HINDI AKO MAGSASAWA SA IYO. Dahil…”
Nung mga oras na yun, walang tigil ang hiling ko na sana andito siya ngayon sa harap ko.
Mangako siya ulit sa harapan ko.
Nag-hihintay ang hinliliit ko.
Gusto ko mahawakan ang kamay niya ngayon.
Gusto ko siyang makita ngayon.
Pero iyak at pag hiling lang ang tanging nagagawa ko.
T.T
“Neji, di ko alam kung ito ang tamang oras…”
“anong ibig mong sabihin?”
T.T
“sana nasabi ko na ito habang may tawag ka pa o di ko alam kung masyado pa itong maaga sa ngayon.”
Hindi ko na siya maintindihan.
Naba-blanko ako.
Umiiyak lang ako ng mga oras na yun.
Sobrang bigat sa pakiramdam.
Yung tipong sa sakit eh nahihirapan akong huminga.
T.T
“di ako magsasawa sayo kase…”
….
….
“kung darating sa puntong yun, tanggapin ko na lang since wala ako magagawa pag ganun.. mahalaga, hanggang di pa dumadating yung time na yun eh tutulungan kita para mapatunayan pa rin na andito lang ako para sayo.. kung ano man yan, maiging sa martes nalang siguro.. napapagod na ko mag-isip. Tapos ang bigat ng luha ko, baka mag-maga mata ko..”
T.T
“sige sa martes ko na lang sasabihin.. sorry kung inamin ko yun.. pero yun yung totoo at gusto ko malampasan yun para sayo. Sige pahinga ka na at please.. wag ka matakot. Nandito lang ako palagi para sayo. Wag ka na rin umiyak.. :’c ”
…
Pero bago pa makarating ang martes ay nasabi na rin niya sa akin ang dapat niyang sabihin.
“di ko nasabi na mabilis ako magsawa sa hobby. Pero once nakakilala ako ng kaibigan sa isang tao, di ko siya pinagsasawaan makaibigan. Pero ibang kaso sayo, higit ka pa sa kaibigan. Super friend ka nga ika ko. Kung friend, di ko pinagsasawaan. Paano pa kaya kung special friend?”
…
</3
Well.
Yun lang talaga yung siguradong totoo.
Ang..
Hanggang..
Magkaibigan.
Lang.
Kami.
:’c
~TO BE CONTINUED~
Next: Project Curiosity on Mars - Finale
Featured Posts
Atok, Benguet Escapade (and Team Lakay Gym Side Trip)
Our Second Visit in Baguio City 2020
La Union 2020 Comeback Story
Swiss Inspired Staycation at Crosswinds Tagaytay
My South Cebu Experience 2019
Showing posts with label SHORT STORIES. Show all posts
Showing posts with label SHORT STORIES. Show all posts
Saturday, January 26, 2019
Saturday, October 15, 2016
September - VI
Lutang ang utak
ko sa antok pagkagising kinabukasan. Napuyat ako kakaisip at namugto ang mga
mata ko kakaiyak. Nagising na lang ako sa text ni Neil.
Neil:
“Masakit para sa’kin ang nangyari kagabi, pero hindi pa rin ako susuko hanggang
sa ma-realize mo na ako ang karapat dapat para sa’yo. Susunduin ulit kita
mamaya.”
Masyado nang
desperate si Neil, kaya parang naiisip ko na umiwas na lang ulit sa kanya.
Hindi na bale ang plano kong gumanti sa kanya, kasi ayoko ng ganitong
pakiramdam na parang imbes na siya ang dapat mahulog sa bitag ko, eh ako yung
nahuhulog ulit sa kanya. Oo, may chance na magbago ang isip ko. May chance na
balikan ko siya. Sabi ko noon gagamitin ko lang ang mga efforts niya, pero
ngayon parang naa-appreciate ko na ang lahat ng mga iyon. Dati iniisip ko lang
na kaya niya ginagawa iyon para lang lokohin ulit ako, pero ngayon parang
nagkakaroon na ng halaga para sa akin lahat ng ginagawa niya. Parang gusto ko
nang kumawala ng tuluyan sa pangit na nakaraan ko kay Neil dahil ngayon may
chance na mahalin ko ulit siya. Pero ayaw ko pa rin aminin sa aking sarili
dahil may parte pa rin sa puso’t isipan ko na nagsasabing ayaw ko na,
na dapat ay tigilan ko na ang kalokohang ito. Ang pakay ko lang naman talaga ay
gumanti, pero mukhang bibigay na ako. Iiwas na lang ako. Ayoko nang madagdagan ang sakit na nararamdaman ko, at ayoko nang makapanakit ng ibang tao.
Me: “Next
time na lang, Neil. May ibang susundo sa akin.”
Neil: “Sino?
Siya ba?”
Hindi ko na
siya ni-reply-an. Alam kong si Baron ang iniisip niya na susundo sa akin, pero
ang totoo ay wala naman. Uuwi lang ako mag-isa. Pagkalipas ng ilang minuto ay
nagtext ulit siya.
Neil: “Sige,
ingat kayong dalawa sa byahe.”
Umuwi nga ako ng mag-isa. Nami-miss ko agad si Neil. Pero ayaw ko pa rin aminin
sa sarili ko iyon.
Kinabukasan, nagtext
ulit siya at sinabing susunduin niya ulit ako after work. Pinayagan ko naman
siya. 5pm kami nagkita doon ulit sa waiting shed sa labas ng work ko. Nakangiti
siyang bumati sa akin, pero may kakaiba akong napapansin sa kanya nung mga oras
na iyon. Parang ang tamlay niya, kahit nakangiti.
Me: “May
sakit ka ba? Ang tamlay mo ah…”
Neil: “Hmm…
wala ah. OK lang ako.”
Me: “Nga
pala, pwedeng daan muna tayo sandali sa SM? Magre-refill ako sa Aficionado ng
pabango ko, ubos na eh.”
Neil: “Sure.
Tara.”
Ang tahimik niya
habang nasa byahe kami. Nawala yung kadaldalan niya. Hindi naman siya ganoon
noong mga nakaraang magkasama kami. Nag-withdraw muna ako pagkarating sa mall.
Biglang lumabas ang kulit niya nang matagalan ako sa ATM dahil ilang beses na
niluluwa yung card ko.
Neil: “Ahem.
May isang bata po dito, hindi marunong gumamit ng ATM. Hahaha!”
Kunwari
nagtampo ako. Iniwan ko siya, naglakad ako ng mabilis, tapos tumakbo siya
papalapit sa akin at inakbayan ako.
Neil: “Eto
namang si Karina, hindi na mabiro.”
Me: “Leche!”
Bumalik ang
kulitan namin. Sinamantala namin ang mga oras na magkasama kami. Para kaming couple
kung mag holding hands. Nagyaya siya kumain, pero tumanggi ako dahil gusto ko
sa bahay kumain. Papunta na kami sa store ng Aficionado nang mag suggest siya
na dumaan muna sa Bench. May katropa daw kasi siya doon, at gusto daw niyang
makamusta muna. Sa loob, nag ikot ikot lang ako habang nag uusap na sila ng
tropa niya. Mayamaya ay bumalik siya sa akin at hinila ako sa section ng mga
pabango.
Neil: “Eto, Karina…
Try mo ito. Maalin dyan, lahat yan, pare-parehong mabango.”
Me: “Aficionado
ang gusto ko dahil iyon ang gusto ni Baron para sa akin.”
Parang
napalakas yata ang boses ko nung time na yun, at mukhang hindi lang si Neil ang
napahiya ko kundi pati na rin ang sarili ko. Pero poise pa rin si Neil.
Neil: “Hmm…
OK.”
Dumiretso na
kami sa Aficionado. Pagkabili ay nagyaya na ako agad na umuwi. Hindi ko na
maintindihan ang nararamdaman ko nung mga oras na iyon. Biglang nawala yung
kulitan namin. Pareho na kaming tahimik.
Me: “Ang
tamlay mo ah. OK ka lang ba talaga? Kanina ko pa napapansin yan eh.”
Tumango lang
siya. Hindi na rin niya hawak ang kamay ko. And all of a sudden, bigla na lang
siya nag toss ng coin.
Me: “Para
saan naman iyon?”
Neil:
“Basta.”
Biglang nag-ring
ang cellphone ko bago pa kami nakalabas ng mall. It’s Baron. Napatingin na lang
ako kay Neil, at tumango na lang siya, na parang sinasabing “sige sagutin mo
na.”
Baron:
“Kamusta? I miss you.”
Me: “I miss you, too. Wala ka nang klase?”
Baron: “Oo.
Maaga rin ako lumabas ng school para mag-load. Pasensya na ha, natagalan bago
ako nakapag load. Sobrang busy lang talaga. Alam mo na, nag a-adjust pa sa new
work ko. Tara magkita sa Sabado? Uuwi ako. Intrams kasi dito next week, hindi
masyado magiging busy kaming teachers.”
Me: “Uh… sige
ba. Pag usapan natin yan pag uwi ko. Nasa SM kasi ako, nagpa-refill ng pabango.
Pauwi na din naman ako. Text na lang kita.”
Baron: “Sino
kasama mo?”
Me: “Wala,
ako lang mag-isa.”
Baron: “Oh
sige sige… Ingat ka pauwi ha. I love you.”
Me: “I love
you.”
Lumingon ako
kay Neil pagkatapos ng tawag. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.
Neil: “Tara
na, hatid na kita.”
Sa parking
lot, kinulit ko ulit siya. Ramdam ko kasing hindi siya OK. Napa-buntong hininga
muna siya bago nakapag salita.
Neil:
“Siguro, ito na ang huling pagkikita natin. Yung toss coin kanina? Ginawa ko iyon
kasi nahihirapan na ako mag-decide para sa sarili ko. Kaya humingi na lang ako
ng tulong sa piso. Gusto pa sana kita makasama, pero mag let go na daw ako sabi
ng piso. At na-realize ko na lang din na kahit anong gawin ko, talo pa rin ako
kay Baron. Wala eh… Hindi mo kasi pinapansin ang lahat ng mga ginagawa ko para
sa’yo. Ewan ko ba kung manhid ka o hindi mo lang talaga inaalam na mahal talaga
kita. Pero OK lang… Hindi ako manunumbat.”
Umiiyak na
naman si Neil sa harapan ko. Nakatayo lang ako na parang tuod, hindi alam kung
ano ang dapat kong gawin o maramdaman. Parang gusto kong matuwa dahil sa wakas
I’m free from Neil, but at the same time, nalulungkot kasi feeling ko guilty
ako na hindi ko siya binigyan ng chance.
Neil: “Honestly,
nalungkot ako kahapon kasi si Baron ang naghatid sa’yo pauwi at hindi ako. Gulat
nga ako eh, parang biglang nag iba ang ihip ng hangin. Ano kaya ang nakain nun
at biglang nag effort din sa’yo? But good for you, hindi ka na malulungkot. I
hope na ipagpatuloy ni Baron na mapasaya ka niya lagi. Ako naman, heto… Focus
lang sa work at sa studies. At kung hindi ka na talaga babalik sa buhay ko? Di
bale nang tumandang binata, dahil alam ng Diyos kung sino talaga ang sigaw ng
puso ko. Pero kung may pagkakataon pa at biglang magbago ang isip mo, alam mo
na naman kung saan ako pupuntahan. May babalikan ka pa.”
Gusto kong magpasalamat
sa kanya dahil sa wakas ay pinapalaya na niya ako, pero nanatili na lang akong
tahimik, dahil hindi rin ako sigurado sa nararamdaman ko noong mga oras na
iyon. Nagyaya na siyang umuwi, at sa huling pagkakataon, maingat na isinuot niya sa akin
ang helmet at inalalayang makasakay ng motor. Hindi ko na ulit alam kung paano
hahawak sa kanya para ma-balance ang sarili ko. Kumapit na lang ako sa parteng
matigas sa may tagiliran ng motor.
Pagkababa ay
muling nagba-bye si Neil. Binilinan niya akong mag ingat lagi para hindi
magkasakit o mapahamak. Binilinan ko naman siya na mag-ingat sa byahe pauwi.
Nahiga na ako
agad sa kama pagkapasok ko ng kwarto ko. Para nang gustong sumabog ang dibdib at utak ko
kakaisip. Kinuha ko ang cellphone at headset ko para mag soundtrip. Umiiyak na
ako nang mag-play na sa kantang September by Daughtry ang soundtrip ko, pero
hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Dahil ba gusto ko magsisi dahil hindi ko
siya nabigyan ng chance o dahil hindi na ako makakagala sakay ng motor niya?
Kinabukasan
ay may na-receive akong text galing kay Neil.
Neil: “Alam
mo ba kung bakit sumasama ka pa rin sa akin? Kasi hindi mo maamin na may puwang
pa rin ako sa puso mo. But don’t worry, hindi na ako mang aabala pa. Natauhan
na ako. Sana maging masaya ka sa desisyon mo.”
Hindi ko na
siya ni-reply-an pa.
Two months na
rin ang nakakalipas mula noong huli kaming nagkita. Marami na agad ang nagbago,
at masaya na ako ngayon with Baron dahil madalas na ulit ang pagsasama namin. Lalo
kong minahal si Baron ngayon, at wala na ni gatiting na hangover galing sa
pagsama ko dati kay Neil. Wala na ring Neil na nangungulit sa akin.
Matagal nang
tapos ang sa amin ni Neil. Neil is not the right man for me, and there’s no
right time for us.
missed the first part of the story?
start reading here.
missed the first part of the story?
start reading here.
Sunday, October 9, 2016
September - V
“May dala naman
akong kapote kaya hindi naman ako ganoong nabasa sa byahe,” sabi ni Neil sa
akin. Magka-text kami ngayon. Nasa work ako, samantalang nasa klase siya nung
mga oras na iyon. Kumuha kasi siya ng isang bachelor's degree course sa isang university sa
Manila. Naiisip ko tuloy na buti pa si Neil, nagagawa pa rin niyang kamustahin
ako kahit na nagiging busy siya. Laging may text tuwing umaga. At ito ngang mga
nagdaang araw, kahit na sobrang malayo ang inuuwian niya, bumibyahe pa rin siya
maihatid lang ako sa bahay. Samantalang si Baron, wala man lang text. Kahit sa
Facebook, pag naka-online siya hindi siya magme-message sa akin kung hindi ako
yung unang magme-message sa kanya. Para bang titigan muna kami, pakiramdaman
kung sino ang unang kikibo sa aming dalawa… Hay. Ewan ko ba. Mas mahal na niya yata ang trabaho niya. Masakit, at naiinis akong
isipin na dahil lang sa nasa long distance relationship kami, hindi siya makapagpakita ng effort
sa akin. Balewala na ang mga salitang "mahal kita" at "miss na kita". Naghihintay na lang ako at umaasa araw-araw, at umiiyak gabi-gabi. Mahal pa ba niya ako? Mauulit na naman ba yung mga panahong nag iisa lang ako dahil iniwan ako ng taong mahal ko? Lahat naman sila sa umpisa lang
talaga nag e-effort. Pero si Neil? Ewan ko. Matagal nang panahon ang lumipas,
at dapat kinalimutan na niya ako, pero heto… Lapit pa rin ng lapit sa akin. Nag
e-effort, dahil “ang tunay na nagmamahal, nag e-effort.” But honestly, wala
talaga ako maramdaman. Hindi na nga ba talaga magbubukas muli ang puso ko para
kay Neil?
“Take me
somewhere, nai-stress ako,” sabi ko kay Neil. Pumayag siya at susunduin daw niya
ulit ako mamaya paglabas ko sa trabaho para ipasyal kung saan ko gusto. Wala akong pakialam
kahit gaano pa kalayo ang panggagalingan niya. Gusto ko pumunta siya.
Makipagkita sa akin at samahan ako. Gusto ko ng kasama at ng kausap.
5pm kami
nagkita ni Neil. Akalain mong nagterno yung kulay ng suot namin? Pareho kami
naka-navy blue. Nagkukulitan kami habang nasa byahe. Para kaming couple. Pero hindi pa rin nawawala si Baron sa isip ko. Pinipilit ko na lang na maging ok ang mga sandaling iyon
na kasama si Neil. Sinabi ko kay Neil na
magpa-Tagaytay kami, at nag request ako na dumaan muna sa paborito kong Korean
grocery para bumili ng kakainin namin for dinner. Feel kong kumain ng spicy
ramyun at beer. Ako lang ang magbi-beer, kase hindi naman nag-iinom si Neil.
Ang problema eh ang ramyun na nabili namin ay kailangang maluto sa hot water.
So ang ginawa namin, naghanap kami ng convenience store sa Tagaytay at doon namin kinain
ang mga nabili namin. Bumili din siya ng tinapay para sa aming dalawa. Huwag
daw ako mag noodles lang, kailangang magpataba daw ako. Inaalagaan niya talaga ako. Nagkulitan ulit kami habang kumakain. Nag unahan kami maubos yung
ramyun, at natalo niya ako. Tawa lang siya ng tawa. Ang saya niya. Gusto pa nga
niyang mag selfie kami, pero hindi ako pumayag. Siyempre, alam niyo na… Baka
ipang-block mail niya sa akin. Ginawa na niya sa akin iyon dati kaya nakipag break
ako sa kanya. Hindi ko na dadagdagan pa ang istoryang iyon.
Lumabas siya
sandali para kunin ang jacket niyang naiwan sa motor. Habang hinihintay siya,
nagba-browse ako ng mga pics namin ni Baron sa gallery ng cellphone ko.
Nami-miss ko na talaga siya, sobra. Sana siya ang kasama ko nung mga
sandaling iyon. Mayamaya ay hindi ko napansing tinitignan pala ako ni Neil mula
sa likod. Tinitignan niya ako habang tinitignan ko ang mga pics namin ni Baron.
Lumapit siya sa akin na may seryosong mukha, kinuha ang cellphone ko, bumalik
sa upuan niya at humarap sa akin.
Neil: “Alam
kong may problema kayo. Tell me.”
Hindi ko
in-expect na magtatanong siya sa akin ng ganoon kase alam ko namang hindi OK sa kanya na naririnig ang pangalan ni Baron sa tuwing magkasama kami. But since sabi ko nga,
kailangan ko ng kausap para may mapagsabihan ng sama ng loob, nag-open up ako kay Neil, baka sakaling makatulong. Inamin kong nahihirapan na akong mag
handle ng relasyon namin ni Baron dahil sa long distance relationship
ito. Sinabi ko lahat, mula sa bihira niyang pakikipag-communicate sa akin,
pati yung nararamdaman kong parang hindi na ako kasama sa mga priorities niya.
Umiiyak na ako ng mga oras na iyon. Seryosong
nakikinig sa akin si Neil. Niyaya niya akong lumabas para mapag usapan pa ang
problema ko para hindi ganon nakakahiya kasi nasa convenience store lang kami. Doon kami nagpunta sa labas ng Skyranch, sa
likod ng Tagaytay International Convention Center. Naupo lang kami sa isang
tabi sa gilid ng kalsada kung saan makakapagsolo kami. Humihikbi pa rin ako. Lumipat ng pwesto si Neil at sa harapan ko umupo.
Neil: “Napapagod
ka na ba?”
Me: “Oo, pero
mahal na mahal ko si Baron, kaya OK lang…”
Biglang nagtaas
ng boses si Neil sa akin.
Neil: “My
God, Karina! Huwag namang tanga, please lang. Alam kong alam mo ang dapat
gawin!”
Tama nga
naman siya, pero sa loob ko, ayaw ko pa rin sumuko.
Neil: “Karina,
wala nang long distance relationship pag minahal mo ulit ako. Babawi ako at itatama
lahat ng pagkakamali ko. Kaya sana naman, pansinin mo mga efforts ko. Mahal na
mahal kita, sa’yo lang ako nagkaganito.”
Umiiyak na
siya sa harapan ko. Lumuhod siya sa harapan ko at nagmamakaawa. Parang gusto
kong maawa sa kanya, pero wala akong magawa dahil hindi ko maitatanggi ang talagang laman ng puso ko. Lalo lang din akong naiyak dahil nasasaktan din naman ako dahil hindi ko siya mapagbigyan. Kusa din siyang bumangon makalipas ng ilang segundo.
Neil: “Pero
hindi ko naman kayang kontrolin ang damdamin mo eh. Bigyan man kita ng time
makapag isip, wala rin ako magagawa sa magiging desisyon mo kasi alam kong siya
pa rin ang pipiliin mo. Talo pa rin ako, kahit alam kong kaya kong higitan
siya. Tanga nga ako eh, kasi umaasa pa rin ako sa’yo. Kaya kung sinasabi mong tanga
ka, mas tanga ako sa’yo.”
Pinunasan
niya ang luha ko, at inayos ang aking buhok. Nagyaya na akong umuwi dahil pagod
na akong mag isip ng kung anu ano.
continue reading...
September - VI
continue reading...
September - VI
Friday, October 7, 2016
September – IV
“See you
tomorrow.”
Yan ang text
ni Neil sa akin pagkatapos niya akong ihatid sa bahay galing sa Skyranch.
Susunduin niya daw ulit ako bukas sa work, at ihahatid sa bahay. Tumanggi ako
kasi kahit papaano nahihiya rin ako sa kanya. Mahaba ang oras ng binibyahe niya
papunta sa work ko at pauwi.
Neil: “Ano ka
ba? OK lang sa akin iyon. Kasi ang tunay na nagmamahal, nag e-effort.”
Mukhang hindi
nadala ang loko sa mga pinagsasasabi ko sa kanya. Kung minsan nakakainis na
yung kulit niya. Kase tinataboy ko na nga siya eh, pero pinagpapatuloy pa rin
niya yung mga efforts kuno niya sa akin. And honestly, hindi ko nakikita na
sincere siya sa mga ginagawa niya sa akin. Kahit na sino naman kase kayang
gawin yung ginagawa niya, makuha lang ang gusto, di’ba? At hindi ko pa rin kasi
nakakalimutan yung mga pangloloko niya sa akin noon. Nambabae siya at pinerahan
pa niya ako. Sinamantala niya yung long distance relationship namin noon. Hindi
siya naging fair dahil ako naging loyal sa kanya, samantalang siya, hindi. Pero
oo, alam kong matagal na iyon. Dapat na akong magparaya sa nakaraan at kalimutan
na ang mga iyon. Pero mahirap para sa akin eh… Kasi doon ko siya nakilala. Sa
tuwing naaalala at nakikita ko siya, isang salita ang laging pumapasok sa isip
ko – manloloko. Marami na akong binigay na chance sa kanya noon, pero lahat ng
iyon sinayang lang niya. Kaya hindi niya dapat ako sisihin kung bakit ganito katigas ang puso ko sa kanya.
Pero naisip
ko bigla, bakit hindi ko subukang gumanti sa mga pangloloko niya sa akin noon?
Tama! Baka ito na yung chance ko para ibigay ang karma niya. If this time
talagang seryoso na siya sa akin, ako naman ang makikipaglaro ngayon, nang
maramdaman naman niya kung gaano kasakit yung ginawa niya sa akin noon.
Nagkita ulit
kami kinabukasan after work, and he just did the same thing – siya ang nagsuot
ng helmet para sa akin at inalalayan akong makasakay ng motor. But this time,
kumapit na ako sa likod niya. Kapit lang, hindi yakap. Sa byahe parang close na
close kami. Nagkamustahan kami. Ikinuwento daw niya sa officemates niya ang
muli naming pagkikita. May ilan daw na nagalit dahil may boyfriend naman daw
ako, pero nakikipagkita pa rin ako sa kanya. Pinaglalaruan ko lang daw siya. Sa
isip ko edi wow. Hindi naman nila alam kung naging sino si Neil sa akin noon. Tumawa
na lang ako. Pero sabi pa niya, pinagtanggol niya ako sa mga iyon dahil hindi
naman nila alam ang totoong story. Alam ko ang nasa isip ni Neil. Sinasabi
niyang nahihirapan at nalulungkot ako dahil malayo sa akin si Baron. Totoo
iyon, and actually, aminado akong ginagawa kong past time ngayon si Neil. Iniisip
ko na sana nagagawa din ni Baron yung mga ginagawa sa akin ni Neil ngayon. Si
Neil ang nakakasama ko ngayon, pero kahit na naging malamig si Baron sa akin,
siya pa rin ang mahal ko. At sa tuwing minamaliit ni Neil si Baron, pinagtatanggol
ko pa rin siya at siya pa rin ang lagi kong bukambibig at binibida sa kanya. Si
Baron pa rin ang pipiliin ko dahil siya ang mahal ko. Hindi na babalik ang
pagmamahal ko kay Neil. Hinding hindi na.
Dumaan muna
kami sa palengke para bumili ng prutas. Ibibili daw niya ako. Dapat daw ako
kumain ng prutas para hindi maging lapitin ng sakit. Sobrang payat ko daw, at
baka nagpapabaya ako sa sarili ko.
Me: “Ayoko
lang tumaba.”
Neil:
“Mataba? Eto ang mataba (himas sa tiyan) ako mataba, ikaw hindi.”
Dumaan din
kami sa isang drugstore para bumili ng vitamins. Ibibili daw niya ako. Gusto
kong matawa nung mga oras na iyon kase feeling ko nahuhulog na siya sa bitag
ko. Sige lang Neil, kaunti pa. Ginusto mo ito, di’ba?
Bago kami
tuluyang dumiretso sa bahay, dumaan muna kami sa isang store para bumili ng mga pasalubong para sa mga workmates niya. Magkahawak ang kamay namin habang naglalakad. Hindi ko na
iniisip na may makakita sa akin at may makapag sumbong kay Baron.
Me: “Kalamay
lang naman ang bibilihin mo. Kay daming bilihan ng kalamay, papadpad ka pa
dito sa lugar namin?”
Neil: “Eh
dito kasi sikat. Saka para kahit man lang mabusinahan kita pag napapadaan ako
sa bahay niyo.”
Ang layo
talaga ng nararating ng motor nito ah. Ilang babae na kaya ang naisakay niya
dito?
Mag a-alas
otso na. Nagyaya siyang kumain muna bago umuwi, pero tumanggi ako dahil pagod
na ako ng mga oras na iyon at may pasok pa kinabukasan.
Me: “At saka
malayo pa ang byahe mo pabalik. Mag aalala lang ako."
Oo, sinabi
kong mag aalala ako. Kunwari lang para tuluy-tuloy lang ang pagkakahulog niya
sa bitag ko. Hindi na siya tumanggi at inihatid na ako sa amin.
Inalalayan
niya ako pagbaba at siya na rin ang nagtanggal ng helmet na suot ko. Bubuksan
ko na sana ang gate namin nang bigla niya akong hinila paharap sa kanya at
niyakap nang mahigpit, pagkatapos ay hinalikan sa noo. Nagulat ako at natulala. Parang may biglang kumiliti sa puso ko. Nagbukas ang ilaw namin sa labas. Lumabas ang mom ko sa
pintuan at nakita niya kami. Magiliw na bumati ng magandang gabi si Neil kay
mom, at nagpaalam na rin na aalis na. Sinabi rin niya kay mom na sadya niya talaga
na ihatid ako pauwi. Nagpapalakas kay mom, huh? Pero ngumiti na lang ako imbes
na ipakitang naiinis ako. Ako pa kasi ang papagalitan ni mom pag ganon.
Kinausap ako
ni mom sa loob ng kwarto ko. Nakita niya ang mga bitbit ko na galing kay Neil.
Mom: “Kailan
pa kayo nagsimulang magkita ulit? At bakit ka umaangkas sa motor? Pag nalaman
yan ng dad mo, nako…”
Tahimik lang
ako habang nakikinig sa sermon niya.
Mom:
“Nanliligaw ba si Neil sa’yo?”
Me: “Yata…”
Mom: “Tigilan
mo yang kalokohan mo. May boyfriend ka na.”
Natulala na lang ako
pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Nahiga na ako pagkatapos, at iniisip
si Neil. Nakauwi na kaya siya? Biglang bumuhos ang ulan. Nag aalala sa kanya. Seryoso.
continue reading...
September – V
continue reading...
September – V
Monday, October 3, 2016
September – III
Ilang araw din
bago ako napilitang i-text ang number na binigay sa akin ni Neil para
magpakilala. For the past few days parang ilang pa akong makipag communicate
sa kanya. Laging puro tungkol sa CSE updates lang ang lagi kong tanong.
Hanggang sa parang magkaibigan na kung mag-text kami sa isa’t isa. Gumagaan
kahit papaano ang loob ko habang kausap siya, pero andun pa rin ang limitasyon.
I’m still Baron’s girlfriend, and I know what kind of man Neil is. Pero hindi
maitatanggi na nag-uumpisa na akong maglihim kay Baron, at makipag flirt kay
Neil. Flirt, kasi hindi naman ako sigurado sa nararamdaman ko towards him. I
still hate him, but I can't tell why I started communicating with
him again. Pero wala ako magawa. I miss this feeling na may nagke-care sa akin. See? Si Neil ang nakaka-text ko ngayon dahil hindi nagte-text si Baron.
Kailangan bang lagi ako yung mauunang mangamusta sa kanya para lang may
maumpisahang pag uusap? Ngayon, iniintay ko na lang siyang maunang tumawag o
mag-text. Mag effort naman siya kung may halaga pa ako sa kanya.
Isang hapon,
nag-text sa akin si Neil kung nasaan daw ako. May dadaanan daw kasi siyang bilihan
ng pasalubong malapit sa work ko. Gusto daw niya ako makita at
maihatid na rin sa bahay ko. Nagdalawang isip muna ako, kasi baka hindi naman
niya ako siputin. I can't trust him that easily. May masabi lang na nag e-effort
siya. Pero um-oo rin ako sa huli. 6pm ang usapan namin na magkita sa waiting
shed sa labas ng pinapasukan ko. Hintayin ko daw siya at sure na darating siya
no matter what.
6pm nasa
waiting shed na ako. Hindi na ako maka-text kay Neil dahil expired na pala ang
load ko. Hindi ko na rin sinubukang magpa-load dahil ayoko namang mag-effort
maka-text lang si Neil. Eh ano ngayon kung hindi siya sumipot? Edi uuwi na ako
like wala lang. Lalo lang ako magagalit sa kanya. Sabi ko nga, I hate him. Pero
sige, hihintayin ko pa rin siya. Panay text niya sa akin kung nasaan na daw ako
dahil papunta na siya. 15 minutes later, nag-text ulit siya. Sabi niya sa akin
aalis na daw siya kung hindi niya ako makikita sa waiting shed. 15 minutes na
ako nakatayo sa waiting shed pero wala pa rin ako nakikitang Neil. Nagsisimula
na akong mainis, and at the same time, gusto kong umiyak dahil sa isa na namang
pagkakataon niloko at pinaasa na naman ako ni Neil. Ang tagal ko nang naghihintay.
Pero bakit ko nga ba siya hinihintay? At bakit ako maiiyak? Sino ba siya?
Nakakatanga, di’ba?
Mayamaya,
biglang may kumalabit sa braso ko. It’s Neil! At nakangiti pa siya, eh ang
tagal niya akong pinaghintay. Maluhaluha na ako, pero nagtatawa lang siya. Nag-sorry naman siya dahil natagalan siya. Inuna
na daw niyang dumaan sa store na sinasabi niya para derederetso na niya ako
makasama. Gusto niya daw akong dalhin sa Skyranch para bumawi. Para akong bata
na nauto niya nung mga oras na yon. Bwisit siya. Pinaghintay niya ako. Pero oo,
sumipot pa rin siya. Nagpakita siya. Nagkita kami.
Pinahawak
niya sa akin ang helmet na gagamitin ko habang sinusuot niya ang sa kanya.
Sinisimulan ko nang suutin yung sa akin pero pinigilan niya ako at sinabing
siya ang magsusuot non para sa akin. Pero tumanggi ako at sinabi kong ako na.
Pero lumapit siya. Lumapit ng sobrang lapit sa mukha ko, nakangiti.
Neil: “Ako
na.”
Natulala ako
na ewan. Tinablan na naman ako ng charm niya. Kinuha niya ang helmet na hawak ko at sinimulan nang iayos iyon sa ulo
ko nang may ingat. Pagkatapos ay inalalayan niya akong makasakay sa motor niya. Hindi ko alam kung paanong kapit nag gagawin ko para mag-balance.
Kumapit na lang ako sa parteng matigas sa may tagiliran ng motor. Mayamaya, huminto
siya sandali para magbukas ng sound system. Sound trip daw kami habang nasa
byahe. Una niyang ni-play ang kantang Together by Ne-Yo, ang love song namin
noong kami pa. Nainis ako. Gusto ko siyang batukan ng mga oras
na iyon. Pero in-enjoy ko na lang ang sound trip.
7pm na nang makarating
kami ng Skyranch. Naglakad-lakad muna kami sa loob para ma-enjoy ang simoy ng
hangin at para makapag isip na rin kung anong ride ang sasakyan namin. Nagyaya
rin siyang mag dinner, pero tumanggi ako. Sabi ko doon na ako sa bahay
maghahapunan dahil nagluto ang dad ko para sa akin. Nag suggest siya na sa
ferris wheel sumakay, pero tumanggi ako. Delikado. Masosolo niya ako sa loob pag
nagkataon. Sabi ko doon na lang kami sumakay sa Vikings. Kahit na sinabi niyang
nahihilo siya sa ride na iyon, hindi pa rin siya tumanggi. Bumili siya ng
ticket. Parang gusto ko ma-excite nung mga oras na yon. Iyon din ang unang ride na
nasakyan ko sa Skyranch kasama si Baron. Pero nung gabing iyon, kahit ang
makangiti ay hindi ko magawa. Pero imbes na isipin siya nung mga oras na iyon,
pinilit ko na lang na mag enjoy. Kaunti lamang ang mga nakasakay at solo namin
ni Neil ang isang linya. Nasa dulo siya at umusod naman ako sa kabilang dulo
para malayo ako sa kanya. Niloko ko pa siya na palakasan na lang kami ng loob.
Ayoko tumabi sa kanya. Pero bago pa mag umpisang umandar yung sinasakyan naming,
napausod ako sa tabi niya. Kinabahan ako bigla eh. Palakas na ng palakas ang
duyan ng sinasakyan namin. Sigaw siya ng sigaw na parang nag e-enjoy sa ride.
Samantalang ako, poker face. Tumitingin lang sa kawalan. Gusto kong sumigaw,
isigaw ang pangalan ni Baron, pero hindi ko magawa. Hindi ko talaga ma-enjoy ang
ride na iyon nang hindi si Baron ang kasama ko.
Natapos ang
ride. Inalalayan niya ako sa pagbaba dahil baka nahihilo daw ako. Hawak niya
ang kamay ko, at hanggang sa baba ay hindi niya binitawan ang kamay ko.
Hinayaan ko lang siya.
Neil: “Ikaw
yung namili ng ride, pero hindi mo naman yata in-enjoy.”
Wala ako
sinagot kundi pilit na ngiti. Naghanap kami ng area kung saan pwede kami
magpahinga sandali. Pagkaupo, sinabi ko na sa kanya ang lahat, na wala na
talaga siyang pag-asa, na hindi na babalik ang pagtingin ko sa kanya.
Itinataboy ko na siya. Sabi ko pa, yung mga efforts na ginagawa niya para sa
akin ay ibaling na lang niya sa iba. Pero nagmatigas siya at inulit lang niya
ang sinabi niya sa akin nung nakaraan, na magfo-focus na lang siya sa work
hanggang sa dumating yung right time for us. Bigla siyang umiyak. Ikinwento
niya na minsan sinubukan niyang magmahal ng iba, pero nabigo siya dahil ako pa
rin daw talaga ang laman ng puso niya. Every year kinukumpleto daw niya ang
simbang gabi, matupad lang ang hiling niya. Ang hirap paniwalaan ng mga iyon para sa akin. But to keep the drama that time (kunwari eksena sa telenovela)
sinagot ko ulit siya ng seryoso.
Me: “Balang
araw mare-realize mo din na may tamang babae talaga para sa’yo at hindi ako
yun.”
Neil: “Ikaw
lang ang hiling ko sa Panginoon, walang iba.”
Umiling lang
ako, tumayo at nagyaya nang umuwi. Pagkatayo niya ay bahagya niya akong hinila
paharap sa kanya at mahigpit na yumakap sa akin. Umiiyak pa rin siya.
Nagpapasalamat siya dahil pinagbigyan ko siyang magkita kami. Gagawin daw niya
ang lahat mapatunayan lang na nagsisisi na siya sa mga pagkakamaling nagawa
niya sa akin. Pero hindi pa rin niya inaaming niloko niya ako noong kami pa.
Umiling lang ako at inulit ko na lang ang sinabi kong may ibang babae dyan na
para sa kanya at hindi ako iyon.
Sa paglabas
ng Skyranch hawak pa rin niya ang kamay ko.
Neil: “Nagpapasalamat
ako sa gabing ito kasi sa isa pang pagkakataon, nagkaroon ulit ako ng rason
para sumaya.”
continue reading...
September – IV
continue reading...
September – IV
Friday, September 30, 2016
September – II
2 years ago,
I failed the civil service exam, pero ini-insist ng dad ko na mag take ulit.
Try and try lang daw until I succeed, sabi niya. Hindi naman ako interesado sa
ganito kasi kung tutuusin, may magandang opportunity din naman akong makukuha
kahit sa private company ako magtrabaho. Pero mas maganda nga namang
opportunity iyon pag naipasa ko yung CSE. Andyan yung may
magandang trabaho kang makukuha kung saan pwede kang mapermanente. Yun bang
lifetime job mo na ika nga. Pero marumi ang gobyerno. Sa public, palakasan lang
naman ng backer yan eh. Parang kay Baron, kaya madali siyang nakapasok sa
public school dahil sa backer niya. But anyway, wala naman akong magawa kundi
mag-take ulit ng exam, kahit for my dad’s sake na lang. At wala
rin namang mawawala kung mag e-exam ulit ako, diba?
Dayoff ko at
nagdecide akong pumunta sa pinakamalapit na civil service commission office
para mag apply for the exam. At kahit na alam kong may chance na magkita kami doon
ni Neil, no choice ako kasi dun na ako sa madaling hanapin na opisina, diba?
Yes, dun siya nagwo-work. Isa din siyang public servant like Baron. Siya din
ang tumulong sa amin ni dad 2 years ago sa unang apply ko sa civil service
exam. Magkakilala na sila ni Dad since highschool pa ako kasi nagpupunta na
siya sa amin dati pa. Anyway, magkita man kami, hindi ko na lang siya
papansinin.
So andun na
ako sa CSC office para magsubmit ng mga requirements for the exam.
Unfortunately, kulang ang requirements ko. Kailangan kong magpa-photocopy ng
isang valid ID, which is one important thing na nakalimutan ko. Badtrip.
Nagtanong ako kay sir kung saan may malapit na pwede ako magpa-photocopy, at
dun niya ako tinuro sa tindahan sa harap mismo ng opisina nina Neil. Napa-“shit”
ako sa isip ko pero wala ako nagawa kundi pumila don para magpa-photocopy.
Mahabang pila
ang sumalubong sa akin sa tindahan. Kasabay ko sa pila ang mga estudyante at
teachers na nagpapa-photocopy ng notes nila. Nag iisa lang yung staff sa
tindahan kaya medyo mabagal umusad ang pila. Hindi ako mapakali. Napadasal na
lang ako na sana hindi lumabas si Neil sa office niya para hindi kami magkita.
Pero habang
tumatagal ang pagtayo ko sa pila, napapasilip naman ako sa loob. Hinahanap ko
ba siya? Ang lakas ng heart beat ko sa tuwing may lalabas kasi akala ko siya
na. Nakakainis yung pakiramdam na iyon, pero para bang nagkakaroon na ako ng
desire na makita siya nung mga oras na iyon. Pero wala. Walang lumabas na Neil.
Tapos na din ako sa pila at nakapag pa-photocopy na ako ng kailangan ko. Aalis
na sana ako, kaso nate-tempt talaga akong pumasok. Gusto ko siyang masilayan
kahit sandali. Mayamaya, mga paa ko na mismo ang nagtulak sa akin para pumasok
sa opisina nila. Sa lobby, nagtanong ako kung doon pa ba nagtatrabaho si Neil
Pobardino. Nasa library daw siya, at sinamahan ako ni ma’am papunta don.
Nagpaiwan na ako noong nasa tapat na ako ng pinto ng library. Sinisilip ko siya
mula sa bintana. Mayamaya, may isang staff na lumabas mula sa library at
tinanong ako kung ano ang kailangan ko. Binanggit ko si Neil, at tinawag niya
ito saka umalis. Sumunod na lumabas si Neil. Lalong lumakas ang heart beat ko
nang makita ko ulit siya. Nagulat din siya noong makita ako, pero malaking
ngiti ang nakaguhit sa mukha niya ng mga oras na iyon.
Niyaya niya
ako sa labas para maupo at magkamustahan. Yes, nagkamustahan kami na parang
wala akong galit sa kanya. Nakakatanga, di’ba?
Neil: “Bakit
ka nandito?”
Me: “Mag
a-apply ulit kasi ako para sa civil service exam…”
Neil: “Tamang
tama, kasi kukuha din ako eh. Hindi ko din naipasa yung nakaraang exam.
Matutulungan kita. Eto number ko. I-text mo lang ako kung may kailangan ka.”
Kinuha ko ang
number niya at sinamahan niya ako bumalik sa CSC office para i-submit na ang
pina-phontocopy ko. Inaalalayanan niya ang bawat lakad ko. He’s still a
gentleman, hindi nagbabago.
Pagkatapos ay
nagyaya siyang mag lunch sa McDo, isang tawid lang mula doon sa opisina nila.
Neil:
“Malapit lang din ang Army Navy dito. Gusto mo doon na lang tayo?”
Me: “Ayoko.
Mahal doon.”
Neil: “Ano ka
ba? Ako naman ang magbabayad. Marami na akong pera ngayon. Tignan mo ako, ang
taba ko na di’ba? Kasi kain lang ako ng kain. Hahaha!”
Me: “Sa McDo
na lang. Doon gusto ko.”
Sa huli, sa
Mcdo din kami nag-lunch.
Neil: “Anong
gusto mo?”
Me: “Chicken
sandwich saka coke float.”
Neil: “Yun
lang? Ayaw mo mag rice meal? Ang payat-payat mo na, tapos yun lang ang kakainin
mo?”
Me: “Yun ang
gusto ko. Yun ang favourite namin ni Baron.”
Wala siyang
nagawa. Ngumiti na lang siya at pumunta na sa pila. Pagkaupo ay magkaharap
kaming kumain. Umaakto lang ako na parang normal lang, na parang isang kaibigan
lang ang nasa harapan ko. Tuluy-tuloy lang ang kamustahan, hanggang sa napunta
sa usapang love life. Kinamusta niya kami ni Baron, and I said na ok na ok
kami. What a great pretender, hahaha! Tinanong ko din siya tungkol sa love life
niya, and he said na he’s still single. Gusto kong humalakhak na may pagtalsik
pa ng laway sa harapan niya dahil parang biro iyong narinig ko mula sa kanya.
Nakilala ko siya as flirt, tapos sasabihin niyang single siya? Damn. Tinuloy lang
niya ang kanyang sinasabi.
Neil: “Buhay
ko work at aral lang, tapos kain, kain, kain. Hahaha! Nagfo-focus lang ako
ngayon sa work at studies while waiting for someone, at sana ito na yung right
time. Matagal na kitang hinihintay. Masaya ako na binisita mo ako sa office. Sana
ito na yung sign.”
Nag assume
ang loko. Kinalimutan ko muna ang pagbibiro noong mga oras na yon at sinagot ko
siya ng seryoso.
Me: ‘Wala
nang Karina na babalik sa’yo. If you're waiting for someone, then it’s not
me. It’s been 7 years already Neil, so kalimutan mo na yang feelings mo sa akin
kasi hindi na babalik ang feelings ko sa’yo.”
Tinataboy ko
siya. Pero nagmatigas siya.
Neil: “Well,
sa trabaho muna iikot ang mundo ko pero maghihintay at maghihintay pa rin ako
sa’yo.”
Hanggang sa
hindi ko na ma-take ang mga kasinungalingan niya, nagyaya na akong lumabas para
makauwi na ako. Bumalik siya sa counter, um-order ng isang meal for takeout at
binigay sa akin. Baunin ko daw sa byahe. Nakasakay na ako agad pagkalabas. At
nang makalayo ng kaunti ay may sumakay na dalawang batang pulubi para
mamalimos. Binigay ko sa kanila ang pabaon sa akin ni Neil.
continue reading...
September – III
continue reading...
September – III
September - I
Minsan,
naiisip ko na parang ayoko na. Kasi naguguluhan na ako at hindi ko na alam ang
gagawin. Mahal ko si Baron, pero bakit parang hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari sa amin. Hindi ako sigurado, but as time goes by, parang nararamdaman ko mula sa kanya na nagsasawa na siya. Kahit na
sabihing 4 years na kami, nag iba na ngayon simula noong malayo siya sa
akin para mag umpisa sa kanyang trabaho bilang isang teacher sa isang public
school. Hindi ko sinasabing hindi ko naiintindihan ang sitwasyon niya doon. Hindi
ko minamaliit ang trabaho niya dahil alam kong mahirap na trabaho iyon. Kaso sa
paglipas ng panahon, para bang nararamdaman ko mula mismo sa kanya na unti-unti na akong nabubura sa mga priorities niya. Pinipilit kong maging masigla sa pakikipag-communicate sa kanya, mabura lang kahit papaano ang stress niya sa work. Kaso paano naman ako? Nai-stress din naman ako sa work. At minsanan na nga lang kami magkita, tapos sa calls at
texts nagtitipid pa. Umiiyak ako gabi-gabi sa sobrang pag aalala. Nangangamusta
ako, pero bihira sumagot kahit lagi namang online sa Facebook. Sa
madaling sabi, para bang pinaparamdam niya na wala na siyang oras sa akin.
Masakit isipin kasi nagiging busy din naman ako s work pero nakakagawa ako ng paraan
makamusta lang siya, but I don’t know why he can’t do the same for me. And actually,
just a month ago, muntik na kaming maghiwalay because of this, but I still hold
on, hoping na may magagawa pa rin siya para sa relationship namin,
kahit gaano pa kami kalayo sa isa’t isa.
Kaso
napakahirap din yung araw-araw kang umaasa kung patuloy pa rin niya pinapakita
na wala siyang oras sa’yo.
Naalala ko
tuloy si Neil. Ex ko. Imagine, 7 years na kaming hiwalay pero daig pa niya ang
multo kung magparamdam sa akin. Matagal nang putol ang communication namin, it's just happened na alam niya kung saan ako nakatira. He sent me gifts mismo sa bahay ko noong
birthday ko last year. Matindi mang-stalk, pati sa Facebook ng parents at sister ko. Minsan, naiisip ko na buti pa siya, kahit ayoko na
makita ang pagmumukha niya, nagpaparamdam pa rin siya to show how he really
cares for me. Pero hindi ko siya ine-entertain kasi alam ko ang pakay niya –
ang agawin ako kay Baron. He keeps on making efforts para lang mapatunayan na
nagbago na siya. Hindi siya tumitigil ng pang i-stalk para mapatunayan na kaya
na niyang itama lahat ng pagkakamaling nagawa niya sa akin. Kaso napakahirap
paniwalaan, kase sa dinami-dami ng pwede niyang i-surrender, hindi pa rin niya
inaaming niloko niya ako noon. Marami siyang babae. Ilang beses ko na siyang
nahuli noon sa Friendster, Yahoo Messenger at texts, pero dine-deny niya. Nakakainis, kasi actually binabaligtad
niya ang story. Kesyo ako daw ang nang iwan, ganto, ganyan… Ang dami-dami ko
nang chance na binigay sa kanya noon para lang magkaroon kami ng forever, pero
paulit-ulit ang naging problema ko sa kanya.
But imagine... For
7 years, hindi ko ba mare-realize na baka nga nagbago na siya? Paano kung
papasukin ko ulit siya sa buhay ko? Paano kong bigyan ko ulit siya ng isa pang
pagkakataon? At paano kung kaya siya bumabalik ay dahil siya talaga ang right
man for me?
Tingin mo ito
na yung right time for me and Neil? Tingin ko rin eh.
Pero... Hindi pala.
Neil is not the right man for me, and there’s no right time for us.
continue reading...
September - II
continue reading...
September - II
Subscribe to:
Posts (Atom)