Featured Posts

Atok, Benguet Escapade (and Team Lakay Gym Side Trip)
Our Second Visit in Baguio City 2020
La Union 2020 Comeback Story
Swiss Inspired Staycation at Crosswinds Tagaytay
My South Cebu Experience 2019

Saturday, June 22, 2013

Film Criticism: Himala


HIMALA – isang ekperimental na pelikulang pinagbibidahan ni Ms. Nora Aunor bilang Elsa, isang babaeng sinasabing nakita daw ang mahal na birhen at mula noon ay nagdadala na ng himala  sa baryo Cupang, isang lugar na sinasabing isinumpa.

Pamilyar sa aking pandinig dahil sa sikat na linyang "walang himala!", ngunit ngayon ko lamang napanood ang pelikula na ito. 

Dun sa first part, yung introduction, andun na yung curiosity ko tungkol sa pelikula. Creepy yung background music, at sa title pa lang, batid ko nang may kinalaman ito sa paniniwala ng tao sa Diyos.



Napansin ko din na maaaring dahil sa kalumaan ng pelikula, di naging ganun ka-pulido ang effect o pagkaka-edit, gaya nung sa part na natatakpan na ng buwan ang araw (eclipse), maging ang transitions ng bawat scene, dahilan para lalo kong di maintindihan ang pelikula. 
Ang mga anggulo ng bawat scene ay malimit naka-steady lamang o may iisang position lamang.

Maraming pinakita ang pelikula. Droga, karahasan, sex, kahirapan, at pananampalataya sa Panginoon. Ang pelikulang ito ay di maaaring mapanood ng mga bata.

Nakita ko din ang di pantay ng pagtrato ng isang Pilipino sa mismong kanyang kababayan, dun sa part na mayroong nagpapa-renta ng kwarto, puro mga kano lamang ang kanyang pinapatuloy, dahil mas mapera ang mga ito kaysa sa mga kababayan. Nakita ko din ang pagtaliwas ng simbahang katoliko sa mga himala, dahil naniniwala silang di iyon makatotohanan gaya ng aparisyon o ilusyon, o maaaring ito’y gawa lamang ng isang masamang elemento na nag-disguise lamang bilang isang anghel o mahal na birhen.

Masyado akong nahabaan sa duration ng pelikula para lang maintindihan ko ang mensaheng dala ng “Himala”. Bawat eksena ay punung puno ng simbolismo, na nagpapakita ng ng natatagong mensahe. Maaaring ito ang atake ng direktor upang maiparating sa mga manonood ang mensahe ng pelikula.


Walang Himala, mga fre. :P

Sunday, June 16, 2013

Film Criticism: Ang Babae sa Septic Tank

sequence number 43
interior
stablishing shots
day
scene opens to the girl typing her blog while she's eating her lunch

hehe. charot. :D

Bago ang lahat, narito ang buod ng "Ang Babae sa Septic Tank" sa direction ni Marlon Rivera.


Tumatakbo ang istorya sa tatlong karakter-sina Bingbong (JM de Guzman), Rainier (Kean Cipriano), at Jocelyn (Cai Cortez). Naglalayon silang magwagi ang kanilang pelikula sa isang film festival. Kasalukuyan nilang tinatapos ang paghahanda sa pagsu-shoot ng kanilang indie film na pinamagatan nilang "Walang wala" (na tungkol sa isang ina na nagbenta ng anak dahil sa kahirapan). Pinagpaplanuhan nila ang ilang mga bagay na gusto nilang baguhin sa pelikula, base sa kani-kanilang mga suggestion. Sa kanilang pag uusap, napagkasunduang si Ms. Eugene Domingo ang napiling gaganap na Mila sa kanilang film. Sa kanilang pakikipagkita kay Eugene Domingo, muli ay kanilang pinag usapan ang takbo ng istorya. Muli na naman itong nabago dahil sa suggestions niyang binigay. Sa huli, nagkasundo ang lahat. Bago tuluyang masimulan ang shooting, pinuntahan nila ang magiging location ng kanilang pelikula - sa isang squater area. Sa kanilang paglilibot sa nasabing lugar, sa kasamaang palad, ang kanilang sasakyan ay ninakawan.

Natapos ang pelikula nang umpisahan ng i-shoot ang scene sa septic tank na gaganapan sana ng kanyang double (ni Eugene Domingo), ngunit aksidenteng nahulog siya dito, at ang lahat ay walang nagawa kundi ipagpatuloy na ang pag-shoot ng film, na siya na mismo ang gumanap.

Ok. Akala ko, ang istoryang 'to ay tungkol sa babae sa septic tank. Yung as in literal na babae sa septic tank. Ngunit hanggang sa matapos ang panonood ko, tuluyan kong nalaman ang mensahe ng pelikulang ito. 

Sa unang part ng pelikula, nagbigay iyon sa'kin ng pakiramdam na kagustuhang ma-explore pa ang pelikula, sa madaling sabi, nakuha nito ang aking atensyon. Sa buong palabas, nakita kong kakaiba ang atake ang ginamit sa bawat pagpasok ng mga scene at shot. Masasabi kong kakaiba ang pagkaka-deliver ng story. Maging ang nanay ko na kasabay kong nanood ay hindi kaagad naintindihan ang takbo ng istorya.

Nakakatuwa yung pinapakita ng palabas kung paano nag-iiba ang bawat scene sa bawat suggestion na binibigay ng mga karakter. Kapansin pansin din na lantad o walang censorship ang mga dayalogong hindi akma sa mga bata.

Umaabot lamang ng 1 hour 27 minutes and 22 seconds ang pelikula. Maganda ang pagkaka-deliver ng mga karakter sa kanilang roles. Maging ang bawat lugar ay sakto sa bawat scene ng palabas. Para sa akin, walang sayang o nakakabagot na eksena sa pelikula.

Habang pinapanood ko ang "Ang Babae sa Septic Tank", nakita ko dito ang aking pangarap na magkaroon ng isang sariling production team na gumagawa din ng films.