Featured Posts

Atok, Benguet Escapade (and Team Lakay Gym Side Trip)
Our Second Visit in Baguio City 2020
La Union 2020 Comeback Story
Swiss Inspired Staycation at Crosswinds Tagaytay
My South Cebu Experience 2019

Wednesday, March 11, 2020

La Union 2020 Comeback Story

Matagal kong pinakahihintay itong chance na makapag bakasyon ulit ako for days, dahil unti-unti na naman akong nade-drain. Kailangan ko ng break, at magpakalayo layo muna ulit para mag-reset ng sarili, kahit hindi mangyayari iyon 100%. Paulit ulit yung stress, and actually, pumasok ako sa taong 2020 nang devastated ulit. Niloko akong muli. Winasak. Handa na sana akong maging bagong ako para sa panibagong taon at panibagong buhay, pero hindi ko akalaing yung isang taong dumaan sa buhay ko at pinagkatiwalaan ko, naging isa sa mga dahilan para manatili ako sa mindset na ang mundo, habang nandito ka pa, gagaguhin ka lang. Walang consistency ang kaligayahan sa akin, and I'm counting years now. Kaya sa ganitong paraan (travelling), kahit papaano, nakakakuha ulit ako ng lakas, ng motivation, ng life, para bumangon ulit, magpatuloy, at maghintay na makakapag hilom ulit ng sarili. Yes, travelling is my source of strength, next to my family.

Just what I have mentioned, matagal ko nang hinihintay itong makapag travel ulit ako. Dapat nung January pa, kaso isa ang bayan namin sa mga naapektuhan ng Taal volcano eruption, kaya napurnada ang pag alis namin. Nitong March lang natuloy, since hectic ang schedule ko noong February.

Our planned travel is La Union - Baguio City - Benguet. Ise-share ko rin sa aking next blog ang naging experience ko sa Baguio at Benguet, but for now, focus muna tayo sa La Union.


Pangatlong balik ko na dito sa La Union. Kung na-miss niyo yung story ko about sa unang punta ko dito, click the link below para mabasa niyo. :)

And the link below is our second time in La Union. This is for my sister's birthday.


Bakit nga ba sa dinamiraming dagat sa Pilipinas, La Union ang binabalik balikan ko? Well, una, ito yung mas malapit sa Baguio City, ang next destination namin. Pangalawa, never ko pa na-experience ang mag party sa Flotsam and Jetsam, finally na-experience ko na rin on our third time here. Pangatlo, ito lang yung isa sa mga best destination sa Pilipinas na medyo kaya ko nang i-byahe kahit nakapikit (charot). 

Actually, may pang apat pa, at iyon ay ang surfing.



Dito ko sa La Union natutunan ang surfing. Ine-enjoy ko lang ang pagse-surf, kahit hindi naman ako magaling sa ganito. Para sa akin na bilang isang beach person, masaya siyang gawin. Pero itong third surfing experience ko ang hindi ko makakalimutan, kase na-jellyfish attack ako. XD But that won't make me stop na mag surf ulit. Ganyan talaga buhay sa dagat, may tag dikya. Haha. Pero nung araw namang iyon eh hindi naman madami ang jellyfish. Medyo unfortunate lang ako siguro noon. Medyo lang naman. :)

Sa Chill'n Hotel ulit kami nag check in ng kapatid ko (kami lang ng kapatid ko ang magkasama during this travel). Sa previous posts ko, wala ako naipakitang pictures ng room namin. Ngayon, meron na, and this is good for 2 pax. Medyo nag price increase lang sila ngayon kase dati P1,700 lang, ngayon P1,900 na. Siguro dahil peak season na rin. Hindi naman big deal sa amin, kase comfortable naman ang stay namin.




The following are some tourists spots na first time lang namin narating ng kapatid ko during our stay here in La Union.

Man-Made Forest
It is located in Luna, La Union. It became popular because it resembles the man-made forest in Bohol (na hindi ko pa nararating, pero nasa bucket list ko yan).



Medyo hassle magpa-picture kase daanan talaga ito ng mga sasakyan. Timing-an lang. Also, it was Saturday so mas maraming tourists, mas may chance na may photobombers sa pictures mo. :D I would suggest na lunch time magpunta dito, kase na-notice namin nung pabalik na kami ng hotel, mga lunch time yon, wala nang masyadong tao dito.

Noble Tower Resort
Also located in Luna, La Union. Isa sa mga sikat na lugar sa La Union dahil sa kakaibang itsura ng tower. Magandang view din ang sasalubong sayo mula sa tuktok. 







Hindi ko na nalaman ang rates nila dito since site seeing lang naman ang pakay namin. We paid P10.00 each para makapaglibot sa loob.

Bato de Luna
Mukhang bago lang ito, kase hindi namin nakita ito noong unang punta namin sa Bahay na Bato (kaunting lakad lang mula dito). Nasabi ko rin na bago lang ito kase may constructions noong nagpunta kami. Sa loob, puro wall and stone arts ang makikita mo.
Mula sa entrance, you have to pay P50.00. Tapos makakapasok ka na rin sa Kamay na Bato Art Gallery.



Kamay Na Bato
Kaunting lakad lang mula sa Bato de Luna. Ganoon lang din ang makikita mo - wall and stone arts.
May canteen din sa loob, saka souvenir shop.







Hindi naman kami nabato, kahit puro bato ang nakita namin sa loob. Yung Bahay na Bato yung isa pa sana naming gusto mapuntahan, pero nung araw na iyon, hindi siya open to public. Okay sanang puntahan yon kase may pebble beach doon, maganda din sana pang picture.

Immuki Island
It is located in Balaoan, La Union. The island is well known for its 3 lagoons that are perfect for swimming and cliff jumping, na hindi namin nagawa dahil naka-gown ako (charot). Mukha pa namang masarap lumangoy sa mga lagoons na yon. Malinis.
We paid P10.00 each for the entrance fee. May tour guide din sa loob, and it's up to you kung magkano ang ibabayad niyo sa kanya. In our case, we paid our tour guide right since na-experience namin ang makakain ng raw sea urchin for free! (click here to watch!)










Low tide noong hapon na iyon, kaya tumawid na lang namin by foot papunta sa island. Kailangang may pang malakasan kang footwear for your safety kase ang tatalas ng mga patay na corals. Kapag high tide, kailangan mong sumakay ng balsa.

Vlog is also available sa Youtube channel ng kapatid ko. To watch, click here.


And this is our comeback story in La Union. Thanks for reading! :)
Please stand by for our Baguio City and Benguet blog. Take care everyone! God bless! :)

No comments:

Post a Comment