Featured Posts

Atok, Benguet Escapade (and Team Lakay Gym Side Trip)
Our Second Visit in Baguio City 2020
La Union 2020 Comeback Story
Swiss Inspired Staycation at Crosswinds Tagaytay
My South Cebu Experience 2019

Sunday, September 1, 2013

Film Criticism: Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga




Eto yung mga gustung gusto ko mapanood eh. XD Joke.

Hindi ko kinaya ang pelikula. Maging sa iba siguro na katulad kong konserbatibo ay di din gugustuhing mapanood ito. Ngunit bilang isang practice upang maging isang film critic, kinakailangang alam natin kung bakit may mga ganitong klaseng pelikula, at ano ang nasa likod ng ganitong istorya,

CINEMATOGRAPHY AND LIGHTING
Binigyan ng kakaibang anggulo ang bawat kuha ng camera, at ang movements nito, upang may maitago pa ring ilang parte ng katawan ng tao at eksena. Ganoon din ang paraan na ginamit para sa pag iilaw ng ilang eksena. May parte na sobrang dilim upang maitago ang mga eksenang gustong itago ng direktor, may parte din na maliwanag, depende sa emosyong papasok sa eksena o angkop sa pagganap ng mga karakter.
           
DESIGN
Ang lokasyon at props ay angkop lamang sa mga eksena.

EDITING
Simple lamang ang editing na ginamit sa pelikula. Hindi naging OA. Sa pagpuputol ng mga eksena ay nanatili pa rin ang tamang takbo ng istorya ng pelikula.

SOUND/MUSIC
Naging angkop naman ang sounds na ginamit sa pelikula. Nagamit ito ng maayos, at nagsilbing kagamitan na rin ito upang maparating ang mensahe ng bawat pelikula. Gaya ng kung ang sound o music ay sexy sa pandinig, naaayon lamang sa ginagawa ng mga karakter.

Hindi ganoon naging malinaw ang bawat dayalogo ng mga karakter, ngunit ang pagkakasunud-sunod ng mga eksena ay sapat na para maintindihan ang pelikula.

UGNAYAN NG SINE AT REALIDAD
Pinakita dito ang kasalukuyang problema ng bansa ngayon, at yun ay ang prostitusyon at kahirapan. Kung gayon, si Curacha ay sumisimbolo sa isang produkto ng sakit ng lipunan. Pinakita din dito ang ilang mga pangyayari noong panahon ni Cory Aquino, ipinaglalaban noon ng mga mamamayan ang kanilang kalayaan. Mga sundalong nagrerebelde laban sa pamamalakad ng pamahalaan.

Friday, July 26, 2013

Film Criticism: Ploning

Ang pelikulang Ploning sa direksyon ni Dante Nico Garcia at pinagbibidahan ni Ms. Judy Ann Santos ay isang Philippine romantic family drama film na binase sa isang popular na Cuyonon na kanta mula sa Cuyo, Palawan, tungkol sa isang babaeng nagtatago ng kanyang nararamdaman.

Ang istorya ay hinaluan ng kultura ng mga taong taga-Cuyo, Palawan. Tumatagal ang pelikula ng 1 oras at 46 minuto. Ang ilang mga gumanap sa mga karakter ng pelikula ay mapapansing di kilala, kaya masasabing ito ay isang indie film.



Kakaiba ang unang parte ng pelikula na may maraming ilaw sa pampang, at eksena ng ilang mga parte ng katawan ng tao (balikat, buhok, mga kamay na magkahawak) at pagluha ng isang babaeng di pinakita ng buo, na nagbigay sa akin ng kalituhan kung anong konek nun sa kabuuan ng pekikula.

Binigyan ng kakaibang twist ang pelikula gamit ang elementong sinematograpiya, design at editing upang ipakita nito ang pagkaka-konek ng mga pangyayare ng istorya sa nakaraan at sa kasalukyan. Si Digo (isang batang lalakeng inalagaan ni Ploning) ay makokonsidera ko ring isang elemento na ginamit upang mabuo o mapagkonekta ang mensahe ng pelikula.


Sa ilang mga eksena, naging predictable na sa akin na ang batang lalakeng si Digo ay si Muo Sei, isang batang lalakeng nawala sa dagat ng matagal na panahon, ngunit natagpuan ng isang taiwanese at inampon siya.

Feminist ang pokus pelikula, na nilalarawan ni Ploning ang isang babaeng matibay sa lahat ng pagsubok, at nagsisilbing tagapagbigay ng kaligayahan sa mga tao sa kanyang paligid, sa kabila ng kanyang lungkot na nararamdaman, mula nang siya ay nagmahal ngunit iniwan siya upang mapagpatuloy ang buhay sa Maynila, at umaasa siyang magbabalik ito.

Sunday, July 14, 2013

Film Criticism: Anak

Ang pelikulang Anak na pinagbibidahan nina Ms. Vilma Santos bilang Josie at Ms. Claudine Baretto bilang Carla ay tungkol sa isang ina, na nakipagsapalaran sa ibang bansa, at isang anak, na nawalan ng pagmamahal sa ina at naligaw ang landas dahil minsa'y nagkulang ang kanyang ina sa pag aaruga sa anak dahil lagi itong nasa ibang bansa upang magtrabaho.

(photo from http://glimpsesnglances.blogspot.com/2012/05/how-to-make-filipino-movie-and-make.html)
Sa direksyon ni Rory Quintos, nasunod ang balangkas ng istorya ayon sa lyrics ng kantang Anak ni Fredie Aguilar. Ang bawat disenyo ng bawat scene ay naaangkop upang maipakita ang nararapat sa eksenang iyon. Halimbawa, ang argumento sa pagitan ng anak at ina sa loob ng kwarto ng anak, naipakita dito ang isang Vilma na isang ina sa simpleng pambahay na nag aayos ng higaan ng anak, ganun din si Claudine na inaktuhan ng pagiging masama ang loob sa ina. Hindi naman ganoon nagbigay ng pokus ang galaw ng camera sa maraming parte ng pelikula, gaya ng ipinakita lamang sa isang eksena ang mga taong naglalakad sa HongKong, ang iba’t ibang lugar dito, at ilang eksena ng mga karakter. Ngunit malinaw naman na ipinakita ang eksena nang di ganoon naging malaro sa pag galaw ng camera.


May ilang kalituhan lang na naibigay sa akin ang pagkaka-edit ng pelikula sa pagpuputol-putol ng ilang eksena papunta sa susunod na eksena. May ilang di ganun magka-connect pero di hadlang para tuluyang di maintindihan ang mensahe ng pelikula hanggang sa katapusan nito. Naging angkop din ang paggamit ng mga music o sound sa pag-enhance ng emotion ng daloy ng pelikula upang makuha ang atensyon ng manonood, lalo na yung sa dulong parte na simimulan nang i-play ang instrumental ng kantang Anak, na itinapat sa eksenang ang mag ina ay nag iiyakan at ang anak ay nagsisisi na sa kanyang mga nagawa. Tumatakbo hanggang dalawang oras ang pelikula.

Nagkaroon na ako ng ideya kung tungkol saan ang pelikulang ito, hindi dahil sa napanood ko na ito dati, kundi sa title mismo ng pelikula. Maganda ang pelikulang ito na maraming nakapag antig ng puso ng mga manonood, maging ako, dahil naka-relate ako dito dahil nag abroad din ng ilang beses ang aking ina upang matustusan kami. (pero syempre, di naman dumating sa puntong naligaw din ako ng landas. Hehe.)

Saturday, June 22, 2013

Film Criticism: Himala


HIMALA – isang ekperimental na pelikulang pinagbibidahan ni Ms. Nora Aunor bilang Elsa, isang babaeng sinasabing nakita daw ang mahal na birhen at mula noon ay nagdadala na ng himala  sa baryo Cupang, isang lugar na sinasabing isinumpa.

Pamilyar sa aking pandinig dahil sa sikat na linyang "walang himala!", ngunit ngayon ko lamang napanood ang pelikula na ito. 

Dun sa first part, yung introduction, andun na yung curiosity ko tungkol sa pelikula. Creepy yung background music, at sa title pa lang, batid ko nang may kinalaman ito sa paniniwala ng tao sa Diyos.



Napansin ko din na maaaring dahil sa kalumaan ng pelikula, di naging ganun ka-pulido ang effect o pagkaka-edit, gaya nung sa part na natatakpan na ng buwan ang araw (eclipse), maging ang transitions ng bawat scene, dahilan para lalo kong di maintindihan ang pelikula. 
Ang mga anggulo ng bawat scene ay malimit naka-steady lamang o may iisang position lamang.

Maraming pinakita ang pelikula. Droga, karahasan, sex, kahirapan, at pananampalataya sa Panginoon. Ang pelikulang ito ay di maaaring mapanood ng mga bata.

Nakita ko din ang di pantay ng pagtrato ng isang Pilipino sa mismong kanyang kababayan, dun sa part na mayroong nagpapa-renta ng kwarto, puro mga kano lamang ang kanyang pinapatuloy, dahil mas mapera ang mga ito kaysa sa mga kababayan. Nakita ko din ang pagtaliwas ng simbahang katoliko sa mga himala, dahil naniniwala silang di iyon makatotohanan gaya ng aparisyon o ilusyon, o maaaring ito’y gawa lamang ng isang masamang elemento na nag-disguise lamang bilang isang anghel o mahal na birhen.

Masyado akong nahabaan sa duration ng pelikula para lang maintindihan ko ang mensaheng dala ng “Himala”. Bawat eksena ay punung puno ng simbolismo, na nagpapakita ng ng natatagong mensahe. Maaaring ito ang atake ng direktor upang maiparating sa mga manonood ang mensahe ng pelikula.


Walang Himala, mga fre. :P