(photo from http://en.wikipedia.org/wiki/Himala)
HIMALA –
isang ekperimental na pelikulang pinagbibidahan ni Ms. Nora Aunor bilang Elsa,
isang babaeng sinasabing nakita daw ang mahal na birhen at mula noon ay
nagdadala na ng himala sa baryo Cupang,
isang lugar na sinasabing isinumpa.
Pamilyar sa aking pandinig dahil sa sikat na linyang "walang himala!", ngunit ngayon ko lamang napanood ang pelikula na ito.
Dun sa first part, yung introduction, andun na yung curiosity ko tungkol sa pelikula. Creepy yung background music, at sa title pa lang, batid ko nang may kinalaman ito sa paniniwala ng tao sa Diyos.
(photo from http://www.angsawariko.com/2012/11/nora-aunors-himala-returns-to-the-big-screen-on-december-5-2012/)
Napansin ko din na maaaring dahil sa kalumaan ng pelikula, di naging ganun ka-pulido ang effect o pagkaka-edit, gaya nung sa part na natatakpan na ng buwan ang araw (eclipse), maging ang transitions ng bawat scene, dahilan para lalo kong di maintindihan ang pelikula.
Ang mga anggulo ng bawat scene ay malimit
naka-steady lamang o may iisang position lamang.
Maraming
pinakita ang pelikula. Droga, karahasan, sex, kahirapan, at pananampalataya
sa Panginoon. Ang pelikulang ito ay di maaaring mapanood ng mga bata.
Nakita ko din
ang di pantay ng pagtrato ng isang Pilipino sa mismong kanyang kababayan, dun
sa part na mayroong nagpapa-renta ng kwarto, puro mga kano lamang ang kanyang
pinapatuloy, dahil mas mapera ang mga ito kaysa sa mga kababayan. Nakita ko din ang pagtaliwas ng simbahang katoliko sa mga himala,
dahil naniniwala silang di iyon makatotohanan gaya ng aparisyon o
ilusyon, o maaaring ito’y gawa lamang ng isang masamang elemento na nag-disguise
lamang bilang isang anghel o mahal na birhen.
Masyado akong
nahabaan sa duration ng pelikula para lang maintindihan ko ang mensaheng dala
ng “Himala”. Bawat eksena ay punung puno ng simbolismo, na nagpapakita ng ng natatagong mensahe. Maaaring ito ang atake ng direktor upang maiparating sa mga manonood ang mensahe ng pelikula.
Walang Himala, mga fre. :P
No comments:
Post a Comment