Featured Posts

Atok, Benguet Escapade (and Team Lakay Gym Side Trip)
Our Second Visit in Baguio City 2020
La Union 2020 Comeback Story
Swiss Inspired Staycation at Crosswinds Tagaytay
My South Cebu Experience 2019

Sunday, July 14, 2013

Film Criticism: Anak

Ang pelikulang Anak na pinagbibidahan nina Ms. Vilma Santos bilang Josie at Ms. Claudine Baretto bilang Carla ay tungkol sa isang ina, na nakipagsapalaran sa ibang bansa, at isang anak, na nawalan ng pagmamahal sa ina at naligaw ang landas dahil minsa'y nagkulang ang kanyang ina sa pag aaruga sa anak dahil lagi itong nasa ibang bansa upang magtrabaho.

(photo from http://glimpsesnglances.blogspot.com/2012/05/how-to-make-filipino-movie-and-make.html)
Sa direksyon ni Rory Quintos, nasunod ang balangkas ng istorya ayon sa lyrics ng kantang Anak ni Fredie Aguilar. Ang bawat disenyo ng bawat scene ay naaangkop upang maipakita ang nararapat sa eksenang iyon. Halimbawa, ang argumento sa pagitan ng anak at ina sa loob ng kwarto ng anak, naipakita dito ang isang Vilma na isang ina sa simpleng pambahay na nag aayos ng higaan ng anak, ganun din si Claudine na inaktuhan ng pagiging masama ang loob sa ina. Hindi naman ganoon nagbigay ng pokus ang galaw ng camera sa maraming parte ng pelikula, gaya ng ipinakita lamang sa isang eksena ang mga taong naglalakad sa HongKong, ang iba’t ibang lugar dito, at ilang eksena ng mga karakter. Ngunit malinaw naman na ipinakita ang eksena nang di ganoon naging malaro sa pag galaw ng camera.


May ilang kalituhan lang na naibigay sa akin ang pagkaka-edit ng pelikula sa pagpuputol-putol ng ilang eksena papunta sa susunod na eksena. May ilang di ganun magka-connect pero di hadlang para tuluyang di maintindihan ang mensahe ng pelikula hanggang sa katapusan nito. Naging angkop din ang paggamit ng mga music o sound sa pag-enhance ng emotion ng daloy ng pelikula upang makuha ang atensyon ng manonood, lalo na yung sa dulong parte na simimulan nang i-play ang instrumental ng kantang Anak, na itinapat sa eksenang ang mag ina ay nag iiyakan at ang anak ay nagsisisi na sa kanyang mga nagawa. Tumatakbo hanggang dalawang oras ang pelikula.

Nagkaroon na ako ng ideya kung tungkol saan ang pelikulang ito, hindi dahil sa napanood ko na ito dati, kundi sa title mismo ng pelikula. Maganda ang pelikulang ito na maraming nakapag antig ng puso ng mga manonood, maging ako, dahil naka-relate ako dito dahil nag abroad din ng ilang beses ang aking ina upang matustusan kami. (pero syempre, di naman dumating sa puntong naligaw din ako ng landas. Hehe.)

No comments:

Post a Comment