Featured Posts

Atok, Benguet Escapade (and Team Lakay Gym Side Trip)
Our Second Visit in Baguio City 2020
La Union 2020 Comeback Story
Swiss Inspired Staycation at Crosswinds Tagaytay
My South Cebu Experience 2019

Friday, September 30, 2016

September – II

2 years ago, I failed the civil service exam, pero ini-insist ng dad ko na mag take ulit. Try and try lang daw until I succeed, sabi niya. Hindi naman ako interesado sa ganito kasi kung tutuusin, may magandang opportunity din naman akong makukuha kahit sa private company ako magtrabaho. Pero mas maganda nga namang opportunity iyon pag naipasa ko yung CSE. Andyan yung may magandang trabaho kang makukuha kung saan pwede kang mapermanente. Yun bang lifetime job mo na ika nga. Pero marumi ang gobyerno. Sa public, palakasan lang naman ng backer yan eh. Parang kay Baron, kaya madali siyang nakapasok sa public school dahil sa backer niya. But anyway, wala naman akong magawa kundi mag-take ulit ng exam, kahit for my dad’s sake na lang. At wala rin namang mawawala kung mag e-exam ulit ako, diba?

Dayoff ko at nagdecide akong pumunta sa pinakamalapit na civil service commission office para mag apply for the exam. At kahit na alam kong may chance na magkita kami doon ni Neil, no choice ako kasi dun na ako sa madaling hanapin na opisina, diba? Yes, dun siya nagwo-work. Isa din siyang public servant like Baron. Siya din ang tumulong sa amin ni dad 2 years ago sa unang apply ko sa civil service exam. Magkakilala na sila ni Dad since highschool pa ako kasi nagpupunta na siya sa amin dati pa. Anyway, magkita man kami, hindi ko na lang siya papansinin.

So andun na ako sa CSC office para magsubmit ng mga requirements for the exam. Unfortunately, kulang ang requirements ko. Kailangan kong magpa-photocopy ng isang valid ID, which is one important thing na nakalimutan ko. Badtrip. Nagtanong ako kay sir kung saan may malapit na pwede ako magpa-photocopy, at dun niya ako tinuro sa tindahan sa harap mismo ng opisina nina Neil. Napa-“shit” ako sa isip ko pero wala ako nagawa kundi pumila don para magpa-photocopy.

Mahabang pila ang sumalubong sa akin sa tindahan. Kasabay ko sa pila ang mga estudyante at teachers na nagpapa-photocopy ng notes nila. Nag iisa lang yung staff sa tindahan kaya medyo mabagal umusad ang pila. Hindi ako mapakali. Napadasal na lang ako na sana hindi lumabas si Neil sa office niya para hindi kami magkita.

Pero habang tumatagal ang pagtayo ko sa pila, napapasilip naman ako sa loob. Hinahanap ko ba siya? Ang lakas ng heart beat ko sa tuwing may lalabas kasi akala ko siya na. Nakakainis yung pakiramdam na iyon, pero para bang nagkakaroon na ako ng desire na makita siya nung mga oras na iyon. Pero wala. Walang lumabas na Neil. Tapos na din ako sa pila at nakapag pa-photocopy na ako ng kailangan ko. Aalis na sana ako, kaso nate-tempt talaga akong pumasok. Gusto ko siyang masilayan kahit sandali. Mayamaya, mga paa ko na mismo ang nagtulak sa akin para pumasok sa opisina nila. Sa lobby, nagtanong ako kung doon pa ba nagtatrabaho si Neil Pobardino. Nasa library daw siya, at sinamahan ako ni ma’am papunta don. Nagpaiwan na ako noong nasa tapat na ako ng pinto ng library. Sinisilip ko siya mula sa bintana. Mayamaya, may isang staff na lumabas mula sa library at tinanong ako kung ano ang kailangan ko. Binanggit ko si Neil, at tinawag niya ito saka umalis. Sumunod na lumabas si Neil. Lalong lumakas ang heart beat ko nang makita ko ulit siya. Nagulat din siya noong makita ako, pero malaking ngiti ang nakaguhit sa mukha niya ng mga oras na iyon.

Niyaya niya ako sa labas para maupo at magkamustahan. Yes, nagkamustahan kami na parang wala akong galit sa kanya. Nakakatanga, di’ba?

Neil: “Bakit ka nandito?”
Me: “Mag a-apply ulit kasi ako para sa civil service exam…”
Neil: “Tamang tama, kasi kukuha din ako eh. Hindi ko din naipasa yung nakaraang exam. Matutulungan kita. Eto number ko. I-text mo lang ako kung may kailangan ka.”

Kinuha ko ang number niya at sinamahan niya ako bumalik sa CSC office para i-submit na ang pina-phontocopy ko. Inaalalayanan niya ang bawat lakad ko. He’s still a gentleman, hindi nagbabago.

Pagkatapos ay nagyaya siyang mag lunch sa McDo, isang tawid lang mula doon sa opisina nila.

Neil: “Malapit lang din ang Army Navy dito. Gusto mo doon na lang tayo?”
Me: “Ayoko. Mahal doon.”
Neil: “Ano ka ba? Ako naman ang magbabayad. Marami na akong pera ngayon. Tignan mo ako, ang taba ko na di’ba? Kasi kain lang ako ng kain. Hahaha!”
Me: “Sa McDo na lang. Doon gusto ko.”

Sa huli, sa Mcdo din kami nag-lunch.

Neil: “Anong gusto mo?”
Me: “Chicken sandwich saka coke float.”
Neil: “Yun lang? Ayaw mo mag rice meal? Ang payat-payat mo na, tapos yun lang ang kakainin mo?”
Me: “Yun ang gusto ko. Yun ang favourite namin ni Baron.”

Wala siyang nagawa. Ngumiti na lang siya at pumunta na sa pila. Pagkaupo ay magkaharap kaming kumain. Umaakto lang ako na parang normal lang, na parang isang kaibigan lang ang nasa harapan ko. Tuluy-tuloy lang ang kamustahan, hanggang sa napunta sa usapang love life. Kinamusta niya kami ni Baron, and I said na ok na ok kami. What a great pretender, hahaha! Tinanong ko din siya tungkol sa love life niya, and he said na he’s still single. Gusto kong humalakhak na may pagtalsik pa ng laway sa harapan niya dahil parang biro iyong narinig ko mula sa kanya. Nakilala ko siya as flirt, tapos sasabihin niyang single siya? Damn. Tinuloy lang niya ang kanyang sinasabi.

Neil: “Buhay ko work at aral lang, tapos kain, kain, kain. Hahaha! Nagfo-focus lang ako ngayon sa work at studies while waiting for someone, at sana ito na yung right time. Matagal na kitang hinihintay. Masaya ako na binisita mo ako sa office. Sana ito na yung sign.”

Nag assume ang loko. Kinalimutan ko muna ang pagbibiro noong mga oras na yon at sinagot ko siya ng seryoso.

Me: ‘Wala nang Karina na babalik sa’yo. If you're waiting for someone, then it’s not me. It’s been 7 years already Neil, so kalimutan mo na yang feelings mo sa akin kasi hindi na babalik ang feelings ko sa’yo.”

Tinataboy ko siya. Pero nagmatigas siya.

Neil: “Well, sa trabaho muna iikot ang mundo ko pero maghihintay at maghihintay pa rin ako sa’yo.”

Hanggang sa hindi ko na ma-take ang mga kasinungalingan niya, nagyaya na akong lumabas para makauwi na ako. Bumalik siya sa counter, um-order ng isang meal for takeout at binigay sa akin. Baunin ko daw sa byahe. Nakasakay na ako agad pagkalabas. At nang makalayo ng kaunti ay may sumakay na dalawang batang pulubi para mamalimos. Binigay ko sa kanila ang pabaon sa akin ni Neil.



continue reading...

September – III

September - I

Minsan, naiisip ko na parang ayoko na. Kasi naguguluhan na ako at hindi ko na alam ang gagawin. Mahal ko si Baron, pero bakit parang hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari sa amin. Hindi ako sigurado, but as time goes by, parang nararamdaman ko mula sa kanya na nagsasawa na siya. Kahit na sabihing 4 years na kami, nag iba na ngayon simula noong malayo siya sa akin para mag umpisa sa kanyang trabaho bilang isang teacher sa isang public school. Hindi ko sinasabing hindi ko naiintindihan ang sitwasyon niya doon. Hindi ko minamaliit ang trabaho niya dahil alam kong mahirap na trabaho iyon. Kaso sa paglipas ng panahon, para bang nararamdaman ko mula mismo sa kanya na unti-unti na akong nabubura sa mga priorities niya. Pinipilit kong maging masigla sa pakikipag-communicate sa kanya, mabura lang kahit papaano ang stress niya sa work. Kaso paano naman ako? Nai-stress din naman ako sa work. At minsanan na nga lang kami magkita, tapos sa calls at texts nagtitipid pa. Umiiyak ako gabi-gabi sa sobrang pag aalala. Nangangamusta ako, pero bihira sumagot kahit lagi namang online sa Facebook. Sa madaling sabi, para bang pinaparamdam niya na wala na siyang oras sa akin. Masakit isipin kasi nagiging busy din naman ako s work pero nakakagawa ako ng paraan makamusta lang siya, but I don’t know why he can’t do the same for me. And actually, just a month ago, muntik na kaming maghiwalay because of this, but I still hold on, hoping na may magagawa pa rin siya para sa relationship namin, kahit gaano pa kami kalayo sa isa’t isa.

Kaso napakahirap din yung araw-araw kang umaasa kung patuloy pa rin niya pinapakita na wala siyang oras sa’yo.

Naalala ko tuloy si Neil. Ex ko. Imagine, 7 years na kaming hiwalay pero daig pa niya ang multo kung magparamdam sa akin. Matagal nang putol ang communication namin, it's just happened na alam niya kung saan ako nakatira. He sent me gifts mismo sa bahay ko noong birthday ko last year. Matindi mang-stalk, pati sa Facebook ng parents at sister ko. Minsan, naiisip ko na buti pa siya, kahit ayoko na makita ang pagmumukha niya, nagpaparamdam pa rin siya to show how he really cares for me. Pero hindi ko siya ine-entertain kasi alam ko ang pakay niya – ang agawin ako kay Baron. He keeps on making efforts para lang mapatunayan na nagbago na siya. Hindi siya tumitigil ng pang i-stalk para mapatunayan na kaya na niyang itama lahat ng pagkakamaling nagawa niya sa akin. Kaso napakahirap paniwalaan, kase sa dinami-dami ng pwede niyang i-surrender, hindi pa rin niya inaaming niloko niya ako noon. Marami siyang babae. Ilang beses ko na siyang nahuli noon sa Friendster, Yahoo Messenger at texts, pero dine-deny niya. Nakakainis, kasi actually binabaligtad niya ang story. Kesyo ako daw ang nang iwan, ganto, ganyan… Ang dami-dami ko nang chance na binigay sa kanya noon para lang magkaroon kami ng forever, pero paulit-ulit ang naging problema ko sa kanya.

But imagine... For 7 years, hindi ko ba mare-realize na baka nga nagbago na siya? Paano kung papasukin ko ulit siya sa buhay ko? Paano kong bigyan ko ulit siya ng isa pang pagkakataon? At paano kung kaya siya bumabalik ay dahil siya talaga ang right man for me?

Tingin mo ito na yung right time for me and Neil? Tingin ko rin eh.

Pero... Hindi pala. Neil is not the right man for me, and there’s no right time for us.



continue reading...

September - II

Sunday, September 11, 2016

Decorating my phone's Bumper Case using Deca Stickers

Hello everyone! Enjoy na enjoy tayo sa long weekend natin, ah? Ay, oo nga pala... Kayo lang pala ang may long weekend. Kase ako, may pasok na bukas. Huhu... syet, kaingget! T_T

Anyways, andito na naman ako para sa isang umaatikabong blog tungkol sa naging araw ko at sa isang item na nabili ko kanina.

11:30am nagkita kami ni boyfie. Nagpasama ako sa kanya kanina sa NOVO (isang store sa Crossing Mendez, Tagaytay kung saan makakabili ka ng mura, pero hindi pipityuging mga items) para bumili ng office supplies. Bago dumiretso doon, nag-lunch muna kami sa SaveMore.



(ang tagal ng order namin, kaya selfie muna...)

Pagkakain, dumiretso kami agad sa NOVO. Una naming hinanap yung mga kailangan kong bilhin. Nakapag ikot pa kami kahit konte sa loob, at ayun... nagturo ako. xD nakakita ako ng deca stickers. Sakto, at gusto ko kasi lagyan ng design yung bumper case ng cellphone ko. I used to decorate my gadgets using deca stickers kase they're so kawaiiSo, namili na ako ng design na gusto ko. Nagpatulong din ako kay boyfie kung anong kulay ang maganda at babagay sa cellphone ko.


(ang itsura ni boyfie dahil nagturo na naman ako at siya ang gumastos xD)

Pagkauwi ay inumpisahan ko nang lagyan ng decoration ang aking cellphone case.


(say it in cry_stals??? bakit nagkaroon ng space.? xD )

(the back of the pack caught my attention because of the texts. let's read!)


1.) Please remove DIRTY? WHEN STICK? huh?
2.) Please TEAR THE CELL-PHONE??? like this??



3.) After stick on the cell-phone, it needs 30 minutes that sticker could be totally fixed.


(I slip on my grammar sometimes, but this is too much! Hahaha! Ayoko na.)


Attention!
TOIMPIVE the PATTEM?? PLEASE COMPREHEND US? oh my go* xD


(eeehh!! no such word like TOIMPIVE.)


(how to read this? xD)


(OPERATOIN MERHOD???

(if Google translate is not enough. haha! Ayoko na talaga xD )

Let's start the real thang!



(done!)





(BEFORE)


(AFTER)

Sunday, September 4, 2016

Tip para sa Naunsyaming Bahing!

Alam mo yung feeling na pa-“hachooo” ka na, yung kating kati na ang ilong mo, pero biglang hindi matutuloy? Nakakainis, di’ba? Danas ko ‘yan, friendAyoko ng ganong pakiramdam na ready at excited na akong bumahing, tapos biglang mauudlot. Nakakabitin! At para bang may kirot ka ring mararamdaman sa ilong kapag hindi natuloy yung bahing mo.

Not a big problem, pero sadyang nakakabitin talaga. Pero ngayon, may tip ako na ise-share sa inyo para mailabas ang naunsyaming bahing!

Hindi ko alam kung ako lang ba ang gumagawa nito o sa akin lang umeepekto. Bigla ko lang ito na-discover sa sarili ko. Isang simple pero very effective na paraan para successful ang haching! xD

1. Lumabas ng bahay at humanap ng sunlight. Siguraduhing maaraw sa labas. Magdala ng payong, hindi kailangang magbilad sa initan. Sa experience ko, hindi na effective yung liwanag ng 5pm onwards.



2. Tumingala sa langit at imulat ang mga mata. Pwedeng kumurap, pero subukan pa ring hindi kumurap ng ilang segundo. Labanan ang liwanag. Manatiling ganito ng ilang segundo.



At maya-maya, mararamdaman mo ulit na kinikiliti ang ilong mo, at… Hachoooo!!! Success ang haching! xD




(Mahalagang paalala: ang direktang pagtitig sa matinding sikat ng araw ng mahabang oras ay nakakasama sa mga mata at ang pagbibilad sa initan ay nakakasama sa balat. Huwag gawin ito ng madalas.)