2 years ago,
I failed the civil service exam, pero ini-insist ng dad ko na mag take ulit.
Try and try lang daw until I succeed, sabi niya. Hindi naman ako interesado sa
ganito kasi kung tutuusin, may magandang opportunity din naman akong makukuha
kahit sa private company ako magtrabaho. Pero mas maganda nga namang
opportunity iyon pag naipasa ko yung CSE. Andyan yung may
magandang trabaho kang makukuha kung saan pwede kang mapermanente. Yun bang
lifetime job mo na ika nga. Pero marumi ang gobyerno. Sa public, palakasan lang
naman ng backer yan eh. Parang kay Baron, kaya madali siyang nakapasok sa
public school dahil sa backer niya. But anyway, wala naman akong magawa kundi
mag-take ulit ng exam, kahit for my dad’s sake na lang. At wala
rin namang mawawala kung mag e-exam ulit ako, diba?
Dayoff ko at
nagdecide akong pumunta sa pinakamalapit na civil service commission office
para mag apply for the exam. At kahit na alam kong may chance na magkita kami doon
ni Neil, no choice ako kasi dun na ako sa madaling hanapin na opisina, diba?
Yes, dun siya nagwo-work. Isa din siyang public servant like Baron. Siya din
ang tumulong sa amin ni dad 2 years ago sa unang apply ko sa civil service
exam. Magkakilala na sila ni Dad since highschool pa ako kasi nagpupunta na
siya sa amin dati pa. Anyway, magkita man kami, hindi ko na lang siya
papansinin.
So andun na
ako sa CSC office para magsubmit ng mga requirements for the exam.
Unfortunately, kulang ang requirements ko. Kailangan kong magpa-photocopy ng
isang valid ID, which is one important thing na nakalimutan ko. Badtrip.
Nagtanong ako kay sir kung saan may malapit na pwede ako magpa-photocopy, at
dun niya ako tinuro sa tindahan sa harap mismo ng opisina nina Neil. Napa-“shit”
ako sa isip ko pero wala ako nagawa kundi pumila don para magpa-photocopy.
Mahabang pila
ang sumalubong sa akin sa tindahan. Kasabay ko sa pila ang mga estudyante at
teachers na nagpapa-photocopy ng notes nila. Nag iisa lang yung staff sa
tindahan kaya medyo mabagal umusad ang pila. Hindi ako mapakali. Napadasal na
lang ako na sana hindi lumabas si Neil sa office niya para hindi kami magkita.
Pero habang
tumatagal ang pagtayo ko sa pila, napapasilip naman ako sa loob. Hinahanap ko
ba siya? Ang lakas ng heart beat ko sa tuwing may lalabas kasi akala ko siya
na. Nakakainis yung pakiramdam na iyon, pero para bang nagkakaroon na ako ng
desire na makita siya nung mga oras na iyon. Pero wala. Walang lumabas na Neil.
Tapos na din ako sa pila at nakapag pa-photocopy na ako ng kailangan ko. Aalis
na sana ako, kaso nate-tempt talaga akong pumasok. Gusto ko siyang masilayan
kahit sandali. Mayamaya, mga paa ko na mismo ang nagtulak sa akin para pumasok
sa opisina nila. Sa lobby, nagtanong ako kung doon pa ba nagtatrabaho si Neil
Pobardino. Nasa library daw siya, at sinamahan ako ni ma’am papunta don.
Nagpaiwan na ako noong nasa tapat na ako ng pinto ng library. Sinisilip ko siya
mula sa bintana. Mayamaya, may isang staff na lumabas mula sa library at
tinanong ako kung ano ang kailangan ko. Binanggit ko si Neil, at tinawag niya
ito saka umalis. Sumunod na lumabas si Neil. Lalong lumakas ang heart beat ko
nang makita ko ulit siya. Nagulat din siya noong makita ako, pero malaking
ngiti ang nakaguhit sa mukha niya ng mga oras na iyon.
Niyaya niya
ako sa labas para maupo at magkamustahan. Yes, nagkamustahan kami na parang
wala akong galit sa kanya. Nakakatanga, di’ba?
Neil: “Bakit
ka nandito?”
Me: “Mag
a-apply ulit kasi ako para sa civil service exam…”
Neil: “Tamang
tama, kasi kukuha din ako eh. Hindi ko din naipasa yung nakaraang exam.
Matutulungan kita. Eto number ko. I-text mo lang ako kung may kailangan ka.”
Kinuha ko ang
number niya at sinamahan niya ako bumalik sa CSC office para i-submit na ang
pina-phontocopy ko. Inaalalayanan niya ang bawat lakad ko. He’s still a
gentleman, hindi nagbabago.
Pagkatapos ay
nagyaya siyang mag lunch sa McDo, isang tawid lang mula doon sa opisina nila.
Neil:
“Malapit lang din ang Army Navy dito. Gusto mo doon na lang tayo?”
Me: “Ayoko.
Mahal doon.”
Neil: “Ano ka
ba? Ako naman ang magbabayad. Marami na akong pera ngayon. Tignan mo ako, ang
taba ko na di’ba? Kasi kain lang ako ng kain. Hahaha!”
Me: “Sa McDo
na lang. Doon gusto ko.”
Sa huli, sa
Mcdo din kami nag-lunch.
Neil: “Anong
gusto mo?”
Me: “Chicken
sandwich saka coke float.”
Neil: “Yun
lang? Ayaw mo mag rice meal? Ang payat-payat mo na, tapos yun lang ang kakainin
mo?”
Me: “Yun ang
gusto ko. Yun ang favourite namin ni Baron.”
Wala siyang
nagawa. Ngumiti na lang siya at pumunta na sa pila. Pagkaupo ay magkaharap
kaming kumain. Umaakto lang ako na parang normal lang, na parang isang kaibigan
lang ang nasa harapan ko. Tuluy-tuloy lang ang kamustahan, hanggang sa napunta
sa usapang love life. Kinamusta niya kami ni Baron, and I said na ok na ok
kami. What a great pretender, hahaha! Tinanong ko din siya tungkol sa love life
niya, and he said na he’s still single. Gusto kong humalakhak na may pagtalsik
pa ng laway sa harapan niya dahil parang biro iyong narinig ko mula sa kanya.
Nakilala ko siya as flirt, tapos sasabihin niyang single siya? Damn. Tinuloy lang
niya ang kanyang sinasabi.
Neil: “Buhay
ko work at aral lang, tapos kain, kain, kain. Hahaha! Nagfo-focus lang ako
ngayon sa work at studies while waiting for someone, at sana ito na yung right
time. Matagal na kitang hinihintay. Masaya ako na binisita mo ako sa office. Sana
ito na yung sign.”
Nag assume
ang loko. Kinalimutan ko muna ang pagbibiro noong mga oras na yon at sinagot ko
siya ng seryoso.
Me: ‘Wala
nang Karina na babalik sa’yo. If you're waiting for someone, then it’s not
me. It’s been 7 years already Neil, so kalimutan mo na yang feelings mo sa akin
kasi hindi na babalik ang feelings ko sa’yo.”
Tinataboy ko
siya. Pero nagmatigas siya.
Neil: “Well,
sa trabaho muna iikot ang mundo ko pero maghihintay at maghihintay pa rin ako
sa’yo.”
Hanggang sa
hindi ko na ma-take ang mga kasinungalingan niya, nagyaya na akong lumabas para
makauwi na ako. Bumalik siya sa counter, um-order ng isang meal for takeout at
binigay sa akin. Baunin ko daw sa byahe. Nakasakay na ako agad pagkalabas. At
nang makalayo ng kaunti ay may sumakay na dalawang batang pulubi para
mamalimos. Binigay ko sa kanila ang pabaon sa akin ni Neil.
continue reading...
September – III
continue reading...
September – III
No comments:
Post a Comment