Featured Posts

Atok, Benguet Escapade (and Team Lakay Gym Side Trip)
Our Second Visit in Baguio City 2020
La Union 2020 Comeback Story
Swiss Inspired Staycation at Crosswinds Tagaytay
My South Cebu Experience 2019

Monday, June 4, 2018

SJ Action Camera SJ4K Air (CAMERA TEST)

Hi guysWelcome to my new blog!

Kamusta ang summer vacation niyo? Kayo ba eh nakapag outing na?
Pag may mga ganyang outing eh syempre, andyan yung todo-todo awrahan naten sa beach, sa pool, at kung saan saan pa.
So, pag ganyan, mapapaisip din tayo kung anong magandang camera na pwedeng gamitin, yung hindi tayo magwo-worry kung mabasa man siya.
So, in this blog, may ipapakilala ako sa inyo na camera na nabili ko at nagamit ko na.
Oha? Ngayon ko pa naisip ito kung kailan back to school na tayo... tapos na ang vacation... tag-ulan na... Haha. Sorry na agad, guys. Busy kase ako... busy sa boyfie ko. Charot!
Anyway, umpisahan na natin ito. Ang dami ko pang sinasabi, naiinip na nga kayo eh.
So, eto na! Narito sa inyong harapan ang SJ Action Camera SJ4K Air!



(It comes with waterproof case, user's manual, USB cable, sticker, and mounts and adapter.)


Price: Php 2,800 (bought from Lazada.com)

Below are sample pictures using SJ4K Air. All are not edited/enhanced:




















My Comments:
-Yung waterproof case is waterproof talaga, hindi napapasukan ng tubig. Pero nag-rust yung mount ng waterproof case, saka yung adapter.



-Yung buttons, mahirap pindutin pag naka-waterproof case. Matigas, kailangan hard press. Pero hindi naman siya big issue, noh?
-Sa performance, okay naman. Pwede siyang i-connect sa cellphone kase may Wi-Fi naman siya, para easy transfer na lang ng pictures and videos. Yung battery, matagal din ma-lowbat. Kaso pag icha-charge siya, diba naka-turn off siya... Pag isasaksak mo na sa charger, bigla na lang siya magte-turn on. Kaya kailangan i-turn off ulit.
-May na-encounter lang ako na akala mo nag-save yung picture/video, yun pala hindi, at saka nawawala sa order yung mga pictures/videos.
-Pero kung iko-consider naman ang price, pasok pa rin sa banga ang SJ4K Air. I still recommend this camera sa inyo, especially sa mga katulad kong budegtarians.

Thank you guys for reading, and see you on my next blog. Byerz! (dabs)

Saturday, June 2, 2018

Jonglo Korean Restaurant in Malate, Manila

One Saturday morning, pumunta kami ng boyfie ko sa Manila para mag-inquire sa isang university about sa masteral course na gustong niyang kunin. Hindi pa kami nakakapag almusal, kaya nag-decide kaming kumain muna somewhere bago dumiretso dun sa pupuntahan namin. Since malapit lang kami sa Malate, Manila, ni-suggest ko na i-try namin yung korean restaurant doon na very popular ngayon sa social media - ang Jonglo Korean Restaurant.



Jonglo Korean restaurant is located at 1734 J. Bocobo Street, Malate, Manila. They are open 24 hours. Paano kami nakarating dito? Sumakay kami ng bus pa-Lawton. Tapos bumaba kami ng Quirino Ave, sa Manila Zoo to be exact. Tapos sa may harap ng Sogo Hotel, may mga nakapilang tricycle don. Sabihin mo lang sa driver ang pupuntahan mo, at alam na nila kung saan ka ibababa. There are other ways para pumunta dito, depende kung saan ka manggagaling. I-Google mo na lang. ;)

On our way, feeling ko parang nasa Korea na rin ako kase sunud-sunod yung mga korean stores dito (pero mainit pa rin. haha). Hmm.. Ano kayang meron ang Jonglo Korean Restaurant at mas dinarayo ito ng mga tao?



(Yakult muna.)


After less than 5 minutes na tricycle ride, narating na namin ang Jonglo Korean Restaurant. 6:30AM pa lang ng mga oras na iyon kaya wala pa masyadong tao (yey, makakapag picture ng maayos. haha). 

(ito ang pwestong napili namin. May dining space pa sa kabilang kwarto, hindi ko na na-picture-an kase may mga koreans na kumakaen. hiya aku haha.)


Pagkaupo ay namili na kami ng kakainin. For their price list, you can check this linkhttps://www.zomato.com/manila/jong-lo-korean-restaurant-1-malate-manila/menu

At habang naghihintay sa orders namin (don't worry, hindi matagal ang paghihintay, di katulad ng lovelife mo matagal dumating haha), nag-try muna kami ng kanilang hanbok, korean traditional costumes. Pwedeng pwede kang magsuot nito pag ang order mo ay umabot ng minimum of 350php per head. Ingatan niyo lang please. Araw-araw yan nilalabhan at nire-repair





And just what i've mentioned, hindi matagal ang paghihintay. Dumating na ang orders namin. Yey!

(My boyfie ordered dolsot bibimbap and iced coffee. I ordered samgyeopsal good for two and green tea. The samgyeopsal comes with pork (don't worry guys, hindi siya puro taba), lettuce, kimchi, seaweed, macaroni salad, omelette, spicy fried dilis, and sauce na di ko alam ang tawag sorry guys haha. All in big serving.)

(CAUTION: it's hot. Be careful.)



(Picture taking muna with our orders bago kumain, because eating while wearing their hanbok is not allowed.)


(하하하... ㅋㅋㅋㅋㅋ~)

Now i'ts time to eat! Ang dami nito. Anong oras kaya namin matatapos ito?

(so proud of my boyfie, kumakain na po siya ng gulay XD the lettuce is so fresh. )

(I like their spicy dilis)


At naubos namin ang mga pagkain namin in one and a half hour. Haha. Ang dami talaga ng serving. In-enjoy namin ang pagkain habang nanonood ng isang korean show sa TV (yep, meron silang TV dito na puro korean shows ang palabas. 

So how's the food? Very delicious and healthy! It was a good choice na we started the day with eating vegetableFor sure babalik kami dito, kase gusto ko naman i-try yung ramyun nila.

Thanks for reading guys! :*