Featured Posts

Atok, Benguet Escapade (and Team Lakay Gym Side Trip)
Our Second Visit in Baguio City 2020
La Union 2020 Comeback Story
Swiss Inspired Staycation at Crosswinds Tagaytay
My South Cebu Experience 2019

Friday, October 12, 2018

An Open Letter to My Ex

Dear Derp,

Hi. Kamusta ka na? Sana mabasa mo ito. Sorry kung nakaabala ako. Pero hindi ko rin kase maiwasang maalala na sana 6th anniversary natin ngayon.
Gusto ko lang sabihin na nami-miss kita, buong ikaw at lahat ng ginagawa nating magkasama. I miss your smell, your touch, your music.
Ang saya natin dati. And until now naka-hang pa rin ako, bakit iniwan mo ako ng walang reason.


Mahal naman kita at alam ng buong mundo iyon. Pinaglaban kita. Tinulungan kita, inalagaan. Nagpakaayos ako ng sarili ko. Tinanggap kita sa kung ano ka, lahat ng good and bad sides mo. Ayoko ngang nadadapuan ka ng insekto saka napagpapawisan eh. Pati nga utot mo salo ko. Nagkulang ba ako? Lumabis? Blankong blanko talaga ako Derp, as in hindi ko alam kung bakit. Binigay ko naman ang lahat, but in the end, sumuko ka, at hindi ko talaga alam kung bakit. Isang malaking BAKIT.


Alam mo ba, gusto kitang kulitin, i-message, tawagan... Gusto kitang guluhin, at piliting makipagbalikan sa akin. I know alam mo yan kase kilala mo akong makulit eh. At kung ano ang gusto ko makuha pinipilit ko talaga. Kaso batid kong ilang beses na nauulit itong problema na ito sa atin. Sabi ko nga, kaya ko pang lumaban. Ako pa! Kaso ganun pa rin, talo pa rin ako, at ikaw sumuko na so hindi na magwo-work pa. Kaya kong panindigan ang mga pangako ko, pero wala na ring patutunguhan pa kase ung taong gusto kong alayan ng buong pagmamahal ko, umayaw na.


Sobrang sakit pa rin hanggang ngayon, iniiyakan pa rin kita sa araw at gabi, minsan sa kalagitnaan ng trabaho ko. Kase ang pangarap ko ay ikaw habangbuhay, gusto ko ikaw na sa huli. Kase masaya ako sayo. Kasi tinanggap mo ako sa kung sino ako. And the fact na nakakailang boyfriend na ako, kaya ayoko na talaga maghanap pa ng iba. Hindi na rin naman tayo mga bata. Yung maging end game kita, kahit yun man lang matira ko para sa sarili ko. Kaya nagpakaayos ako at ginalingan ko sayo.
Kaya lagi kong tanong, bakit? Bakit sumuko ka na?


Bakit kasi hindi mo kaya ang responsibility? Nagtagal tayo, pero bakit ganito, am I really not enough to help you? Bakit hindi mo kayang mahalin ang sarili mo? Yun na lang talaga ang kulang, at ang lahat siguradong tatakbo ng maayos kung magagawa mo. Hindi naman yun para sa akin, kundi para sa sarili mo.
Pero gaya ng gusto mo, hindi na kita kukulitin. Minsan nga bine-brainwash ko na lang sarili ko na baka everything you did is just to please me. Pero may side sa akin na hindi, mahal mo rin ako. Lalo na pag naaalala kong ako yung nilalapitan mo para maiyakan pag hindi mo na kaya.
Ngayon kaya, kamusta ka?
Hay...


Pero heto, bigay ko na sayo yung space na gusto mo. Kung hindi talaga ako effective edi ganun na lang.
So this time magbibigay na rin ako para sa sarili ko. Ikaw na dating nagpapaligaya sa akin (next to my family), ngayon pipilitin kong maging masaya sa ibang bagay. Ayoko namang magpakalunod sa lungkot, pipilitin ko nang hindi umiyak at magpuyat, masama sa health ko. Kailangan ko rin talaga mag-move on, kasi nahihirapan akong umasa, lalo na't kitang kita sayo na ayaw mo na talaga. Naaawa rin naman ako sa sarili ko, at ayoko ding nakikita ang tatay ko na nalulungkot o nagagalit pag nakakapagsalita ako ng mga bagay like naghahabol ako sayo, bagay na gusto ko talagang gawin, pero dapat nang itigil.
Alam kong may formal break up naman na tayo, pero from now on, titigil na rin ako.
Pero hindi ako nagsasalita ng TAPOS.
Hindi kita makakalimutan. Hindi ko itatapon ang lahat sa atin.
Hindi ikaw ang 1st boyfriend ko, pero ikaw ang greatest heartbreak ko, NA HANDA KO PA RIN YAKAPIN NG SOBRANG HIGPIT KUNG MAGBABALIK.


Maalala mo lang yung sinabi ko sayo na pag better person ka na, ako ang pinakamasayang tao. At maging better person ka man with someone new, kahit masakit, masaya na rin ako, at least better person ka na.
Andito pa rin ako para sayo.
Hindi kita hihintayin, pero sana hindi ka mag-hesitate na lumapit if need mo, kahit anong dahilan pa yan, kahit kasama lang sa foodtrip or gala mo. Ako pa rin itong tumanggap sayo after mong ipakilala sa akin ang pinakamadilim na parte ng mundo mo.
Pangako, hindi ka magsisisi sa paglapit mo sa akin. Nasa puso lang kita lagi.


Mag iingat ka lagi ha? Sana you're learning to love yourself na. Regards na lang sa papa at kuya mo. Salamat na rin, at sorry sa lahat ng nagawa kong mali.
Galingan mo sa work and studies mo. Live healthy, para sayo din yan. Godbless.
Until we meet again.


Your Derpina,
Anja D.

No comments:

Post a Comment