Featured Posts

Atok, Benguet Escapade (and Team Lakay Gym Side Trip)
Our Second Visit in Baguio City 2020
La Union 2020 Comeback Story
Swiss Inspired Staycation at Crosswinds Tagaytay
My South Cebu Experience 2019

Saturday, January 26, 2019

Project Curiosity on Mars - Part III

THAT WAS SEPTEMBER 9, 2012, around 12AM
At, ka-text ko siya.

“may tanong ako.. mabilis ka ba magsawa?”, ako.
“depende sa bagay.. bakit mo natanong?”, si Alvin.
“hmm.. kasi gusto ko ng kasagutan.. ahe. Waley.”
“eto ang isa sa pinakaayaw ko na ugali, madali ako magsawa. Ganito raw ang may Asperger Syndrome. Pero gusto ko siya ma-overcome.”
“ouch.”
Oo. nung mga oras na yun,
talagang kinabahan ako.
Sabi ko sa sarili ko,
Bakit ngayon ko lang natanong ‘to? O bakit ngayon ko lang 'to nalaman?
Noon pa lang tinanggap ko na siya, lahat ng past niya, buong siya.
Kahit na nagkakaganon siya.
Kahit na sabihin bang nangako siya,
Nagso-sorry ako pero natatakot akong mawala siya.
Di ko sinasabing wala akong tiwala sa mga sinasabi niya,
Pero, ang harapin ang katotohanan, yun ang paano ko matututunan?
“gusto ko siya ma-overcome para sayo.. medyo natatakot ako na magkaganun ako.. pero sabi ko eh depende sa bagay. Hindi ka bagay, tao ka... Io-overcome ko ito.”
Di ko alam kung kaya ko pang maniwala.
Umiiyak na ko ng mga oras na yun.
Sobrang bigat sa pakiramdam.
Yung tipong sa sakit eh nahihirapan akong huminga.
T.T
“kung ito ang sisira sa atin, I will defy this. Neji, HINDI AKO MAGSASAWA SA IYO. Dahil…”
Nung mga oras na yun, walang tigil ang hiling ko na sana andito siya ngayon sa harap ko.
Mangako siya ulit sa harapan ko.
Nag-hihintay ang hinliliit ko.
Gusto ko mahawakan ang kamay niya ngayon.
Gusto ko siyang makita ngayon.
Pero iyak at pag hiling lang ang tanging nagagawa ko.
T.T
“Neji, di ko alam kung ito ang tamang oras…”
“anong ibig mong sabihin?”
T.T
“sana nasabi ko na ito habang may tawag ka pa o di ko alam kung masyado pa itong maaga sa ngayon.”
Hindi ko na siya maintindihan.
Naba-blanko ako.
Umiiyak lang ako ng mga oras na yun.
Sobrang bigat sa pakiramdam.
Yung tipong sa sakit eh nahihirapan akong huminga.
T.T
“di ako magsasawa sayo kase…”
….
….
“kung darating sa puntong yun, tanggapin ko na lang since wala ako magagawa pag ganun.. mahalaga, hanggang di pa dumadating yung time na yun eh tutulungan kita para mapatunayan pa rin na andito lang ako para sayo.. kung ano man yan, maiging sa martes nalang siguro.. napapagod na ko mag-isip. Tapos ang bigat ng luha ko, baka mag-maga mata ko..”
T.T
“sige sa martes ko na lang sasabihin.. sorry kung inamin ko yun.. pero yun yung totoo at gusto ko malampasan yun para sayo. Sige pahinga ka na at please.. wag ka matakot. Nandito lang ako palagi para sayo. Wag ka na rin umiyak.. :’c ”

Pero bago pa makarating ang martes ay nasabi na rin niya sa akin ang dapat niyang sabihin.
“di ko nasabi na mabilis ako magsawa sa hobby. Pero once nakakilala ako ng kaibigan sa isang tao, di ko siya pinagsasawaan makaibigan. Pero ibang kaso sayo, higit ka pa sa kaibigan. Super friend ka nga ika ko. Kung friend, di ko pinagsasawaan. Paano pa kaya kung special friend?”

</3
Well.
Yun lang talaga yung siguradong totoo.
Ang..
Hanggang..
Magkaibigan.
Lang.
Kami.
:’c




~TO BE CONTINUED~
Next: Project Curiosity on Mars - Finale

No comments:

Post a Comment