Featured Posts

Atok, Benguet Escapade (and Team Lakay Gym Side Trip)
Our Second Visit in Baguio City 2020
La Union 2020 Comeback Story
Swiss Inspired Staycation at Crosswinds Tagaytay
My South Cebu Experience 2019

Friday, July 26, 2013

Film Criticism: Ploning

Ang pelikulang Ploning sa direksyon ni Dante Nico Garcia at pinagbibidahan ni Ms. Judy Ann Santos ay isang Philippine romantic family drama film na binase sa isang popular na Cuyonon na kanta mula sa Cuyo, Palawan, tungkol sa isang babaeng nagtatago ng kanyang nararamdaman.

Ang istorya ay hinaluan ng kultura ng mga taong taga-Cuyo, Palawan. Tumatagal ang pelikula ng 1 oras at 46 minuto. Ang ilang mga gumanap sa mga karakter ng pelikula ay mapapansing di kilala, kaya masasabing ito ay isang indie film.



Kakaiba ang unang parte ng pelikula na may maraming ilaw sa pampang, at eksena ng ilang mga parte ng katawan ng tao (balikat, buhok, mga kamay na magkahawak) at pagluha ng isang babaeng di pinakita ng buo, na nagbigay sa akin ng kalituhan kung anong konek nun sa kabuuan ng pekikula.

Binigyan ng kakaibang twist ang pelikula gamit ang elementong sinematograpiya, design at editing upang ipakita nito ang pagkaka-konek ng mga pangyayare ng istorya sa nakaraan at sa kasalukyan. Si Digo (isang batang lalakeng inalagaan ni Ploning) ay makokonsidera ko ring isang elemento na ginamit upang mabuo o mapagkonekta ang mensahe ng pelikula.


Sa ilang mga eksena, naging predictable na sa akin na ang batang lalakeng si Digo ay si Muo Sei, isang batang lalakeng nawala sa dagat ng matagal na panahon, ngunit natagpuan ng isang taiwanese at inampon siya.

Feminist ang pokus pelikula, na nilalarawan ni Ploning ang isang babaeng matibay sa lahat ng pagsubok, at nagsisilbing tagapagbigay ng kaligayahan sa mga tao sa kanyang paligid, sa kabila ng kanyang lungkot na nararamdaman, mula nang siya ay nagmahal ngunit iniwan siya upang mapagpatuloy ang buhay sa Maynila, at umaasa siyang magbabalik ito.

No comments:

Post a Comment