Eto yung mga gustung gusto ko mapanood eh. XD Joke.
Hindi ko kinaya ang pelikula. Maging sa iba siguro na katulad kong konserbatibo ay di din gugustuhing mapanood ito. Ngunit bilang isang practice upang maging isang film critic, kinakailangang alam natin kung bakit may mga ganitong klaseng pelikula, at ano ang nasa likod ng ganitong istorya,

CINEMATOGRAPHY AND LIGHTING
Binigyan ng kakaibang anggulo ang bawat kuha ng camera, at ang movements nito, upang may maitago pa ring ilang
parte ng katawan ng tao at eksena. Ganoon din ang paraan na ginamit para sa pag
iilaw ng ilang eksena. May parte na sobrang dilim upang maitago ang mga
eksenang gustong itago ng direktor, may parte din na maliwanag, depende sa
emosyong papasok sa eksena o angkop sa pagganap ng mga karakter.
DESIGN
Ang lokasyon at props ay angkop lamang sa mga eksena.
EDITING
Simple lamang ang editing na ginamit sa pelikula. Hindi naging OA. Sa pagpuputol ng mga eksena
ay nanatili pa rin ang tamang takbo ng istorya ng pelikula.
SOUND/MUSIC
Naging angkop naman ang sounds na ginamit sa pelikula. Nagamit ito ng
maayos, at nagsilbing kagamitan na rin ito upang maparating ang mensahe ng
bawat pelikula. Gaya ng kung ang sound o music ay sexy sa pandinig, naaayon lamang sa
ginagawa ng mga karakter.
Hindi ganoon naging malinaw ang bawat dayalogo ng mga karakter, ngunit ang pagkakasunud-sunod ng mga eksena ay sapat na para maintindihan ang pelikula.
Hindi ganoon naging malinaw ang bawat dayalogo ng mga karakter, ngunit ang pagkakasunud-sunod ng mga eksena ay sapat na para maintindihan ang pelikula.
UGNAYAN NG SINE AT REALIDAD
Pinakita
dito ang kasalukuyang problema ng bansa ngayon, at yun ay ang prostitusyon at
kahirapan. Kung gayon, si Curacha ay sumisimbolo sa isang produkto ng sakit ng
lipunan. Pinakita din dito ang ilang mga pangyayari noong panahon ni Cory
Aquino, ipinaglalaban noon ng mga mamamayan ang kanilang kalayaan. Mga
sundalong nagrerebelde laban sa pamamalakad ng pamahalaan.
No comments:
Post a Comment