Featured Posts

Atok, Benguet Escapade (and Team Lakay Gym Side Trip)
Our Second Visit in Baguio City 2020
La Union 2020 Comeback Story
Swiss Inspired Staycation at Crosswinds Tagaytay
My South Cebu Experience 2019

Sunday, September 4, 2016

Tip para sa Naunsyaming Bahing!

Alam mo yung feeling na pa-“hachooo” ka na, yung kating kati na ang ilong mo, pero biglang hindi matutuloy? Nakakainis, di’ba? Danas ko ‘yan, friendAyoko ng ganong pakiramdam na ready at excited na akong bumahing, tapos biglang mauudlot. Nakakabitin! At para bang may kirot ka ring mararamdaman sa ilong kapag hindi natuloy yung bahing mo.

Not a big problem, pero sadyang nakakabitin talaga. Pero ngayon, may tip ako na ise-share sa inyo para mailabas ang naunsyaming bahing!

Hindi ko alam kung ako lang ba ang gumagawa nito o sa akin lang umeepekto. Bigla ko lang ito na-discover sa sarili ko. Isang simple pero very effective na paraan para successful ang haching! xD

1. Lumabas ng bahay at humanap ng sunlight. Siguraduhing maaraw sa labas. Magdala ng payong, hindi kailangang magbilad sa initan. Sa experience ko, hindi na effective yung liwanag ng 5pm onwards.



2. Tumingala sa langit at imulat ang mga mata. Pwedeng kumurap, pero subukan pa ring hindi kumurap ng ilang segundo. Labanan ang liwanag. Manatiling ganito ng ilang segundo.



At maya-maya, mararamdaman mo ulit na kinikiliti ang ilong mo, at… Hachoooo!!! Success ang haching! xD




(Mahalagang paalala: ang direktang pagtitig sa matinding sikat ng araw ng mahabang oras ay nakakasama sa mga mata at ang pagbibilad sa initan ay nakakasama sa balat. Huwag gawin ito ng madalas.)


No comments:

Post a Comment