Featured Posts

Atok, Benguet Escapade (and Team Lakay Gym Side Trip)
Our Second Visit in Baguio City 2020
La Union 2020 Comeback Story
Swiss Inspired Staycation at Crosswinds Tagaytay
My South Cebu Experience 2019

Monday, October 3, 2016

September – III

Ilang araw din bago ako napilitang i-text ang number na binigay sa akin ni Neil para magpakilala. For the past few days parang ilang pa akong makipag communicate sa kanya. Laging puro tungkol sa CSE updates lang ang lagi kong tanong. Hanggang sa parang magkaibigan na kung mag-text kami sa isa’t isa. Gumagaan kahit papaano ang loob ko habang kausap siya, pero andun pa rin ang limitasyon. I’m still Baron’s girlfriend, and I know what kind of man Neil is. Pero hindi maitatanggi na nag-uumpisa na akong maglihim kay Baron, at makipag flirt kay Neil. Flirt, kasi hindi naman ako sigurado sa nararamdaman ko towards him. I still hate him, but I can't tell why I started communicating with him again. Pero wala ako magawa. I miss this feeling na may nagke-care sa akin. See? Si Neil ang nakaka-text ko ngayon dahil hindi nagte-text si Baron. Kailangan bang lagi ako yung mauunang mangamusta sa kanya para lang may maumpisahang pag uusap? Ngayon, iniintay ko na lang siyang maunang tumawag o mag-text. Mag effort naman siya kung may halaga pa ako sa kanya.

Isang hapon, nag-text sa akin si Neil kung nasaan daw ako. May dadaanan daw kasi siyang bilihan ng pasalubong malapit sa work ko. Gusto daw niya ako makita at maihatid na rin sa bahay ko. Nagdalawang isip muna ako, kasi baka hindi naman niya ako siputin. I can't trust him that easily. May masabi lang na nag e-effort siya. Pero um-oo rin ako sa huli. 6pm ang usapan namin na magkita sa waiting shed sa labas ng pinapasukan ko. Hintayin ko daw siya at sure na darating siya no matter what.

6pm nasa waiting shed na ako. Hindi na ako maka-text kay Neil dahil expired na pala ang load ko. Hindi ko na rin sinubukang magpa-load dahil ayoko namang mag-effort maka-text lang si Neil. Eh ano ngayon kung hindi siya sumipot? Edi uuwi na ako like wala lang. Lalo lang ako magagalit sa kanya. Sabi ko nga, I hate him. Pero sige, hihintayin ko pa rin siya. Panay text niya sa akin kung nasaan na daw ako dahil papunta na siya. 15 minutes later, nag-text ulit siya. Sabi niya sa akin aalis na daw siya kung hindi niya ako makikita sa waiting shed. 15 minutes na ako nakatayo sa waiting shed pero wala pa rin ako nakikitang Neil. Nagsisimula na akong mainis, and at the same time, gusto kong umiyak dahil sa isa na namang pagkakataon niloko at pinaasa na naman ako ni Neil. Ang tagal ko nang naghihintay. Pero bakit ko nga ba siya hinihintay? At bakit ako maiiyak? Sino ba siya? Nakakatanga, di’ba?

Mayamaya, biglang may kumalabit sa braso ko. It’s Neil! At nakangiti pa siya, eh ang tagal niya akong pinaghintay. Maluhaluha na ako, pero nagtatawa lang siya. Nag-sorry naman siya dahil natagalan siya. Inuna na daw niyang dumaan sa store na sinasabi niya para derederetso na niya ako makasama. Gusto niya daw akong dalhin sa Skyranch para bumawi. Para akong bata na nauto niya nung mga oras na yon. Bwisit siya. Pinaghintay niya ako. Pero oo, sumipot pa rin siya. Nagpakita siya. Nagkita kami.

Pinahawak niya sa akin ang helmet na gagamitin ko habang sinusuot niya ang sa kanya. Sinisimulan ko nang suutin yung sa akin pero pinigilan niya ako at sinabing siya ang magsusuot non para sa akin. Pero tumanggi ako at sinabi kong ako na. Pero lumapit siya. Lumapit ng sobrang lapit sa mukha ko, nakangiti.

Neil: “Ako na.”

Natulala ako na ewan. Tinablan na naman ako ng charm niya. Kinuha niya ang helmet na hawak ko at sinimulan nang iayos iyon sa ulo ko nang may ingat. Pagkatapos ay inalalayan niya akong makasakay sa motor niya. Hindi ko alam kung paanong kapit nag gagawin ko para mag-balance. Kumapit na lang ako sa parteng matigas sa may tagiliran ng motor. Mayamaya, huminto siya sandali para magbukas ng sound system. Sound trip daw kami habang nasa byahe. Una niyang ni-play ang kantang Together by Ne-Yo, ang love song namin noong kami pa. Nainis ako. Gusto ko siyang batukan ng mga oras na iyon. Pero in-enjoy ko na lang ang sound trip.

7pm na nang makarating kami ng Skyranch. Naglakad-lakad muna kami sa loob para ma-enjoy ang simoy ng hangin at para makapag isip na rin kung anong ride ang sasakyan namin. Nagyaya rin siyang mag dinner, pero tumanggi ako. Sabi ko doon na ako sa bahay maghahapunan dahil nagluto ang dad ko para sa akin. Nag suggest siya na sa ferris wheel sumakay, pero tumanggi ako. Delikado. Masosolo niya ako sa loob pag nagkataon. Sabi ko doon na lang kami sumakay sa Vikings. Kahit na sinabi niyang nahihilo siya sa ride na iyon, hindi pa rin siya tumanggi. Bumili siya ng ticket. Parang gusto ko ma-excite nung mga oras na yon. Iyon din ang unang ride na nasakyan ko  sa Skyranch kasama si Baron. Pero nung gabing iyon, kahit ang makangiti ay hindi ko magawa. Pero imbes na isipin siya nung mga oras na iyon, pinilit ko na lang na mag enjoy. Kaunti lamang ang mga nakasakay at solo namin ni Neil ang isang linya. Nasa dulo siya at umusod naman ako sa kabilang dulo para malayo ako sa kanya. Niloko ko pa siya na palakasan na lang kami ng loob. Ayoko tumabi sa kanya. Pero bago pa mag umpisang umandar yung sinasakyan naming, napausod ako sa tabi niya. Kinabahan ako bigla eh. Palakas na ng palakas ang duyan ng sinasakyan namin. Sigaw siya ng sigaw na parang nag e-enjoy sa ride. Samantalang ako, poker face. Tumitingin lang sa kawalan. Gusto kong sumigaw, isigaw ang pangalan ni Baron, pero hindi ko magawa. Hindi ko talaga ma-enjoy ang ride na iyon nang hindi si Baron ang kasama ko.

Natapos ang ride. Inalalayan niya ako sa pagbaba dahil baka nahihilo daw ako. Hawak niya ang kamay ko, at hanggang sa baba ay hindi niya binitawan ang kamay ko. Hinayaan ko lang siya.

Neil: “Ikaw yung namili ng ride, pero hindi mo naman yata in-enjoy.”

Wala ako sinagot kundi pilit na ngiti. Naghanap kami ng area kung saan pwede kami magpahinga sandali. Pagkaupo, sinabi ko na sa kanya ang lahat, na wala na talaga siyang pag-asa, na hindi na babalik ang pagtingin ko sa kanya. Itinataboy ko na siya. Sabi ko pa, yung mga efforts na ginagawa niya para sa akin ay ibaling na lang niya sa iba. Pero nagmatigas siya at inulit lang niya ang sinabi niya sa akin nung nakaraan, na magfo-focus na lang siya sa work hanggang sa dumating yung right time for us. Bigla siyang umiyak. Ikinwento niya na minsan sinubukan niyang magmahal ng iba, pero nabigo siya dahil ako pa rin daw talaga ang laman ng puso niya. Every year kinukumpleto daw niya ang simbang gabi, matupad lang ang hiling niya. Ang hirap paniwalaan ng mga iyon para sa akin. But to keep the drama that time (kunwari eksena sa telenovela) sinagot ko ulit siya ng seryoso.

Me: “Balang araw mare-realize mo din na may tamang babae talaga para sa’yo at hindi ako yun.”
Neil: “Ikaw lang ang hiling ko sa Panginoon, walang iba.”

Umiling lang ako, tumayo at nagyaya nang umuwi. Pagkatayo niya ay bahagya niya akong hinila paharap sa kanya at mahigpit na yumakap sa akin. Umiiyak pa rin siya. Nagpapasalamat siya dahil pinagbigyan ko siyang magkita kami. Gagawin daw niya ang lahat mapatunayan lang na nagsisisi na siya sa mga pagkakamaling nagawa niya sa akin. Pero hindi pa rin niya inaaming niloko niya ako noong kami pa. Umiling lang ako at inulit ko na lang ang sinabi kong may ibang babae dyan na para sa kanya at hindi ako iyon.

Sa paglabas ng Skyranch hawak pa rin niya ang kamay ko.

Neil: “Nagpapasalamat ako sa gabing ito kasi sa isa pang pagkakataon, nagkaroon ulit ako ng rason para sumaya.”



continue reading...


September – IV

No comments:

Post a Comment