Featured Posts

Atok, Benguet Escapade (and Team Lakay Gym Side Trip)
Our Second Visit in Baguio City 2020
La Union 2020 Comeback Story
Swiss Inspired Staycation at Crosswinds Tagaytay
My South Cebu Experience 2019

Sunday, September 1, 2013

Film Criticism: Kinatay

            Eto na naman, ang isang pelikulang aking napanood, na talaga namang di ko kinaya. </3

(Photo from felizardoromano1st.files.wordpress.com)

Pepoy
PHYSICAL BACKGROUND – criminology student, bata pa, gwapo, simple
SOCIOLOGICAL BACKGROUND – may asawa at anak, member ng sindikato
PSYCHOLOGICAL BACKGROUND
            A. RELASYON SA TAO – asawa ni Cecille, kaibigan ni Abyong
            B. PILOSPIYA— kailangang magsikap makapag tapos ng pag aaral at kumita kahit papaano sa isang sideline upang mabuhay ang kanyang pamilya.
            C. EMOTIONAL BAGGAGE ­– saya, na napunta sa takot at lungkot.
            D. OUTER/INNER MOTIVATION – kawalan ng pantustos para sa pamilya kaya pumasok sa isang trabaho na labag sa kanyang kalooban.

DIRECTINGSa kabuuan ng pelikula, walang naging malinaw na pagkakasunod ng bawat eksena, maging ang dayalogo. Nangingibabaw ang puro biyahe at lakad ng main character ng pelikula. Nais sigurong iparating ng director ang mensahe ng pelikula nang hindi nagpo-focus sa title ng pelikula (which is in the first place ang “kinatay” ang naiisip na nilalaman ng pelikula ng manonood) kundi sa emosyon ng bawat karakter sa bawat eksena.

CINEMATOGRAPHY AND LIGHTINGMalikot ang galaw ng camera, na parang pinapakita yung kung ano ang nakikita ng natural na mga mata ng tao.Ang pelikulang ito ay di dapat napapanood ng mga bata dahil naglalaman ito ng mga eksenang di angkop para sa kanila.
           
DESIGNAng disenyo ng pelikula ay naaayon lamang sa bawat eksena ng pelikula; kay Pepoy na naka-school uniform, ang kanyang asawa na simple lamang kung manumit ay na-achieve naman na magmukhang ina, at ng iba pang karakter. Maging ang props ay angkop sa mga eksena na ginamit o pinakita ng karakter.

EDITINGSimple, pero may dating kung ituring ko ang style o editing na ginamit para don sa OBV.Nagbigay sa akin ng kalituhan ang transition ng bawat eksena, kagaya nung sa unang part na nasa biyahe si Pepoy at ang kanyang asawa tapos biglang napadpad ang eksena sa isang kaganapan na may mga reporter at mga taga rescue doon sa lalakeng nasa billboard tapos biglang papasok ang eksenang magkikita sila ni Abyong (Jhong Hilario), at yung huling parte na nasa loob ng taxi si Pepoy tapos mapupunta ang eksena sa kanyang asawa na nasa bahay at nagluluto ng sinangag habang buhat ang kanilang anak.

SOUND/MUSICMedyo creepy ang sound na ginamit, ngunit di naging OA para sa isang eksena upang ma-enhance nito di lamang ang emosyon na pinapakita ng karakter, kundi pati na rin ang kakayahan nitong makuha ang atensyon ng mga manonood.

Hindi binigyan ng focus ang mga dayalogo. Sa aking opinyon, paraan lamang ito ng director upang masabing wala sa dayalogo ang focus ng pelikula, kundi doon mismo sa emosyon ng mga karakter at sa mismong istorya ng pelikula.

UGNAYAN NG SINE AT REALIDADPinakita dito ang ilang social problems sa ating lugar, gaya ng prostitusyon, teenage pregnancy, madilim at karimarimarim na trabaho ng pulisya, at violence.

SIMBOLISMOBaril – karahasan
Singsing - pangako

No comments:

Post a Comment