Featured Posts

Atok, Benguet Escapade (and Team Lakay Gym Side Trip)
Our Second Visit in Baguio City 2020
La Union 2020 Comeback Story
Swiss Inspired Staycation at Crosswinds Tagaytay
My South Cebu Experience 2019

Sunday, September 15, 2013

Film Criticism: Masahista

DIRECTINGSa direksyon ni Brillante Mendoza, nabigyan ng buhay ang isang istorya sa pelikula. Ngunit para sa akin, hindi naging ganon epektibo ang ilang mga atake, base sa pagkakasunod at page-edit ng eksena. Naintindihan ko lamang ang mensahe ng pelikula dun sa huling parte, yung umiiyak si Iliac hawak ang ilang kagamitan ng kanyang ama. Sa kabuuan, di naging matagumpay para sa akin ang pag-send ng message sa akin.

(photo from http://www.imdb.com/title/tt0477999/)

CINEMATOGRAPHY AND LIGHTINGIsang itong indie film dahil gumamit lamang ito ng simpleng sinematograpiya. Nag umpisa sa isang mahabang biyahe ang unang parte ng pelikula. Magalaw o hindi stable ang maraming kuha sa pelikula. Walang itinago ang kamera. Nakita sa ilang eksena ang parte ng katawan ng lalake, at mga eksenang may sex orientation, na di dapat mapanood ng mga bata. Sa pag-iilaw naman, mayroon akong napansing di maganda, yung naglalakad si Iliac papuntang funeraria at sinusundan ng kamera. Masyadong maliwanag ang eksenang iyon at di maganda sa paningin. May ilan din namang akma sa bawat eksena, gaya ng pag iilaw sa spa na medyo madilim.
           
DESIGNWala ako masabi. Ok naman lahat ng props na ginamit. Akma sa bawat eksena. Maging ang lugar na pinangyarihan ay ganon din. May ilang kagamitan din akong napansin na sa tingin ko ay isang simbolismo. Ilan sa mga ito ay ay kandilang nanigas na tinatanggal sa kabaong ng asawa ni Josy, na ang ibig sabihin ay pagbura o paglimot sa mapapait na nakaraan na nagawa ng kanyang yumaong asawa, ang lotion, polbo, at langis, na ang ibig sabihin ay pagbibigay ng sarap habang pinaghihirapan, at ang mga parol o lantern, na ang ibig sabihin ay liwanag sa tamang panahon (o sa madaling sabi, tagumpay) dahil sa bawat malulungkot na eksenang pinapakita ng pelikula, ang parol/lantern ang parang nagbibigay ng kasiyahan o pag-asa sa kanila.

EDITINGAng paggamit ng kulay itim na background sa OBV ay masasabi kong pinahihiwatig nito sa unang parte pa lang ng pelikula na isang makamundo at kakaiba ang masasaksihang palabas. Kapansin-pansin din ang mali-maling subtitles ng pelikula. Ang pag o-overlay ng isang clip sa isang eksena, para sa akin, ay pinapahiwatig nito ang samu’t saring problema o palaisipan ng isang karakter. Pagdating sa pagpuputol ng bawat eksena, naguluhan ako dahil may isang eksena na ipapakita, pagkatapos ay mapupunta sa isang eksena na wala sa kasalukuyan, tapos babalik ulit. Halimbawa, yung parte na minamasahe ni Iliac si Marina, tapos mapuputol ang eksena at ipapakita ang kanyang tatay na nakaratay sa morge at binibihisan, tapos babalik ulit sa pagmamasahe. Hindi ko nagustuhan ang paraang iyon, at di naging matagumpay na ibigay sa akin ng pelikula ang mensahe nito.

SOUND/MUSICKapansin-pansin ang pagiging tahimik ng kabuuan ng pelikula. Wala masyadong sound o music na ginamit, maliban lamang sa iisang music na ginamit sa una at huling parte ng pelikula. Naaayon na parang natural lamang sa pandinig ang sound effect na ginamit. May parte na hihina ang background na dialog o sounds upang mabigyan ng emphasis ang sinasabi ng bawat karakter. Hindi ganoon naging OA sa paggamit ng mga sound/music, bagkus naaayon ang mga ito sa tema o sa bawat eksena ng pelikula.

UGNAYAN NG SINE AT REALIDADPinakita sa pelikulang ito ang kahinaan at kalakasan ng kalalakihan sa kasalukuyang lagay ng lipunan. Narito ang mukhang napilitan lang magtrabaho bilang masahista para lamang may pantustos. Ang kalakasan ay nakikita sa paano ang pangunahing karakter ay nagpursigi upang makaipon, at para kayanin ang lahat ng kanyang problema. Pinakita din dito ang ilang problema ng lipunan sa kasalukuyan, gaya ng prostitusyon, kahirapan, at mga bi/homo sexual. Pinakita din sa ilang mga eksena ang pagiging mapamahiin ng mga matatanda.

No comments:

Post a Comment