Kinailangan ko pang magbasa ng plot
ng pelikula sa internet dahil nakakuha ako ng kopya na hindi buo. Pero di naman naging kakulangan yun
para maintindihan ko ang mensahe ng pelikula.
Bale, ang istorya ay tungkol sa isang madre, si Sister Stella (Vilma Santos) na tinalikuran ang relasyon sa isang journalist upang i-pursue ang kagustuhang makatulong sa kapwa. Sa hindi sinasadyang pangyayari, sa tulong ng kanyang ka-tukayo, na-involve siya sa isang strike/rally ng mga taong pinaglalaban ang kanilang karapatan bilang isang manggagawa. Doon ay nasaksihan niya ang kasakiman ang di maayos na pamamalakad ng gobyerno, kung kaya’t sumama siya at nakibaka sa mga manggagawang nagwewelga.
Sa direksyon ni Mike de Leon, nagkaroon ng buhay ang istorya sa pamamagitan ng iba’t ibang elemento ng pelikula. isa-isahin natin yan ngayon.
Bale, ang istorya ay tungkol sa isang madre, si Sister Stella (Vilma Santos) na tinalikuran ang relasyon sa isang journalist upang i-pursue ang kagustuhang makatulong sa kapwa. Sa hindi sinasadyang pangyayari, sa tulong ng kanyang ka-tukayo, na-involve siya sa isang strike/rally ng mga taong pinaglalaban ang kanilang karapatan bilang isang manggagawa. Doon ay nasaksihan niya ang kasakiman ang di maayos na pamamalakad ng gobyerno, kung kaya’t sumama siya at nakibaka sa mga manggagawang nagwewelga.
Sa direksyon ni Mike de Leon, nagkaroon ng buhay ang istorya sa pamamagitan ng iba’t ibang elemento ng pelikula. isa-isahin natin yan ngayon.
(Photo from http://starforallseasons.files.wordpress.com) |
Karaniwan lamang na mga anggulo ang ginamit sa pelikula. Simple lamang ang sinematograpiya. Ang pag iilaw naman sa bawat eksena ay medyo napansin kong di ganon kalinis. Kasi may ilang parte akong nakitang ok ang pag iilaw (madilim para sa eksenang tutugma, ganun din kung maliwanag), kaso may parte na ipapakitang madilim tapos pagkatapos ng isang transition ay mababago ang pag iilaw ngunit di naman umaalis sa isang lugar ang mga karakter. Parang hindi pantay. Para tuloy di naging maganda sa aking paningin iyon.
Bagaman nagkaroon ng mga palya sa page-edit, o sa ibang elemento ang pelikula, nagampanan naman ng maayos ng mga artista ang kanya-kanyang karakter. Ang props at settings ng bawat eksena sa pelikula ay magkatugma, base sa nararamdaman o dayalogo.
Medyo na-korni-han ako dun sa part na nagpasok ng video na nagsasalita si tukayo habang binabasa ni Sister Stella yung isang liham galing sa kanya. Kung mapapakinggan ang suggestion ko, sasabihin ko na lang na sana gamitan na lang ng subs na boses ni tukayo instead dun sa ipapakita pang nagsasalita siya. Nakita ko din na gumamit ng slow motion dun sa patapos na part, dun sa may nagwewelga. Wala lang, ok lang naman yun, hindi nakasama. Hehe. Yung isa pang korni na napansin ko eh yung last part na nagbibigay mensahe si Sister Stella sa mga manonood. Feeling ko, may iba pa sanang mas ok na atake para sa part na yun. Sa madaling sabi, di ko nagustuhan yung ginamit ng direktor na parang magsosolo itong si Sister Stella sa ending.
At saka napansin kong baliktad lahat ng nakasulat at texts sa credits. Parang naka-mirror. Bat ganun.? Pirated yata yung kopya ko. Hehe.
Sa music naman, gumamit ng parang music video na atake sa bandang kalahati ng pelikula. Yung pinapakita ang pagwewelga at mga kasamahan ng mga grupo ng mga nagra-rally. Masasabi kong magandang idea ang pag gamit nito ngunit hindi akma sa kabuuan ng pelikula. Sa music na ginamit, walang problema. Nagbigay pa nga ito o nakatulong para maihatid mensahe ng pelikula. Mayroon namang hindi naging malinaw ang dayalogo dahil di pantay ang paghahati ng sound effect/sounds at ng salitaan. Napansin ko iyon dun sa part na nag uusap si Mang Dencio at asawa niya. Mas malakas pa sa boses nila ang ulan.
Ang pelikula ay nagpakita ng ilang issue ng lipunan sa kasalukyan, gaya ng socio-political involvement ng mga madre. Makikita sa pelikula na may mga madreng nakilahok sa isang rally para tumulong na ipaglaban ang karapatan ng mga manggagawa. Ipinakita din ang kahinahan ng kababaihan (pag iwan ng lalake dun sa nabuntis niya, pagkapagod ni Sister Stella sa pagharap ng mga suliranin) at kalakasan ng kababaihan (paglaban na makuha ang karapatang pangtao, pagiging matatag sa lahat ng pagsubok) sa ating lipunan. At last, pinakita din ang trabaho ng isang journalist.
No comments:
Post a Comment