“May dala naman
akong kapote kaya hindi naman ako ganoong nabasa sa byahe,” sabi ni Neil sa
akin. Magka-text kami ngayon. Nasa work ako, samantalang nasa klase siya nung
mga oras na iyon. Kumuha kasi siya ng isang bachelor's degree course sa isang university sa
Manila. Naiisip ko tuloy na buti pa si Neil, nagagawa pa rin niyang kamustahin
ako kahit na nagiging busy siya. Laging may text tuwing umaga. At ito ngang mga
nagdaang araw, kahit na sobrang malayo ang inuuwian niya, bumibyahe pa rin siya
maihatid lang ako sa bahay. Samantalang si Baron, wala man lang text. Kahit sa
Facebook, pag naka-online siya hindi siya magme-message sa akin kung hindi ako
yung unang magme-message sa kanya. Para bang titigan muna kami, pakiramdaman
kung sino ang unang kikibo sa aming dalawa… Hay. Ewan ko ba. Mas mahal na niya yata ang trabaho niya. Masakit, at naiinis akong
isipin na dahil lang sa nasa long distance relationship kami, hindi siya makapagpakita ng effort
sa akin. Balewala na ang mga salitang "mahal kita" at "miss na kita". Naghihintay na lang ako at umaasa araw-araw, at umiiyak gabi-gabi. Mahal pa ba niya ako? Mauulit na naman ba yung mga panahong nag iisa lang ako dahil iniwan ako ng taong mahal ko? Lahat naman sila sa umpisa lang
talaga nag e-effort. Pero si Neil? Ewan ko. Matagal nang panahon ang lumipas,
at dapat kinalimutan na niya ako, pero heto… Lapit pa rin ng lapit sa akin. Nag
e-effort, dahil “ang tunay na nagmamahal, nag e-effort.” But honestly, wala
talaga ako maramdaman. Hindi na nga ba talaga magbubukas muli ang puso ko para
kay Neil?
“Take me
somewhere, nai-stress ako,” sabi ko kay Neil. Pumayag siya at susunduin daw niya
ulit ako mamaya paglabas ko sa trabaho para ipasyal kung saan ko gusto. Wala akong pakialam
kahit gaano pa kalayo ang panggagalingan niya. Gusto ko pumunta siya.
Makipagkita sa akin at samahan ako. Gusto ko ng kasama at ng kausap.
5pm kami
nagkita ni Neil. Akalain mong nagterno yung kulay ng suot namin? Pareho kami
naka-navy blue. Nagkukulitan kami habang nasa byahe. Para kaming couple. Pero hindi pa rin nawawala si Baron sa isip ko. Pinipilit ko na lang na maging ok ang mga sandaling iyon
na kasama si Neil. Sinabi ko kay Neil na
magpa-Tagaytay kami, at nag request ako na dumaan muna sa paborito kong Korean
grocery para bumili ng kakainin namin for dinner. Feel kong kumain ng spicy
ramyun at beer. Ako lang ang magbi-beer, kase hindi naman nag-iinom si Neil.
Ang problema eh ang ramyun na nabili namin ay kailangang maluto sa hot water.
So ang ginawa namin, naghanap kami ng convenience store sa Tagaytay at doon namin kinain
ang mga nabili namin. Bumili din siya ng tinapay para sa aming dalawa. Huwag
daw ako mag noodles lang, kailangang magpataba daw ako. Inaalagaan niya talaga ako. Nagkulitan ulit kami habang kumakain. Nag unahan kami maubos yung
ramyun, at natalo niya ako. Tawa lang siya ng tawa. Ang saya niya. Gusto pa nga
niyang mag selfie kami, pero hindi ako pumayag. Siyempre, alam niyo na… Baka
ipang-block mail niya sa akin. Ginawa na niya sa akin iyon dati kaya nakipag break
ako sa kanya. Hindi ko na dadagdagan pa ang istoryang iyon.
Lumabas siya
sandali para kunin ang jacket niyang naiwan sa motor. Habang hinihintay siya,
nagba-browse ako ng mga pics namin ni Baron sa gallery ng cellphone ko.
Nami-miss ko na talaga siya, sobra. Sana siya ang kasama ko nung mga
sandaling iyon. Mayamaya ay hindi ko napansing tinitignan pala ako ni Neil mula
sa likod. Tinitignan niya ako habang tinitignan ko ang mga pics namin ni Baron.
Lumapit siya sa akin na may seryosong mukha, kinuha ang cellphone ko, bumalik
sa upuan niya at humarap sa akin.
Neil: “Alam
kong may problema kayo. Tell me.”
Hindi ko
in-expect na magtatanong siya sa akin ng ganoon kase alam ko namang hindi OK sa kanya na naririnig ang pangalan ni Baron sa tuwing magkasama kami. But since sabi ko nga,
kailangan ko ng kausap para may mapagsabihan ng sama ng loob, nag-open up ako kay Neil, baka sakaling makatulong. Inamin kong nahihirapan na akong mag
handle ng relasyon namin ni Baron dahil sa long distance relationship
ito. Sinabi ko lahat, mula sa bihira niyang pakikipag-communicate sa akin,
pati yung nararamdaman kong parang hindi na ako kasama sa mga priorities niya.
Umiiyak na ako ng mga oras na iyon. Seryosong
nakikinig sa akin si Neil. Niyaya niya akong lumabas para mapag usapan pa ang
problema ko para hindi ganon nakakahiya kasi nasa convenience store lang kami. Doon kami nagpunta sa labas ng Skyranch, sa
likod ng Tagaytay International Convention Center. Naupo lang kami sa isang
tabi sa gilid ng kalsada kung saan makakapagsolo kami. Humihikbi pa rin ako. Lumipat ng pwesto si Neil at sa harapan ko umupo.
Neil: “Napapagod
ka na ba?”
Me: “Oo, pero
mahal na mahal ko si Baron, kaya OK lang…”
Biglang nagtaas
ng boses si Neil sa akin.
Neil: “My
God, Karina! Huwag namang tanga, please lang. Alam kong alam mo ang dapat
gawin!”
Tama nga
naman siya, pero sa loob ko, ayaw ko pa rin sumuko.
Neil: “Karina,
wala nang long distance relationship pag minahal mo ulit ako. Babawi ako at itatama
lahat ng pagkakamali ko. Kaya sana naman, pansinin mo mga efforts ko. Mahal na
mahal kita, sa’yo lang ako nagkaganito.”
Umiiyak na
siya sa harapan ko. Lumuhod siya sa harapan ko at nagmamakaawa. Parang gusto
kong maawa sa kanya, pero wala akong magawa dahil hindi ko maitatanggi ang talagang laman ng puso ko. Lalo lang din akong naiyak dahil nasasaktan din naman ako dahil hindi ko siya mapagbigyan. Kusa din siyang bumangon makalipas ng ilang segundo.
Neil: “Pero
hindi ko naman kayang kontrolin ang damdamin mo eh. Bigyan man kita ng time
makapag isip, wala rin ako magagawa sa magiging desisyon mo kasi alam kong siya
pa rin ang pipiliin mo. Talo pa rin ako, kahit alam kong kaya kong higitan
siya. Tanga nga ako eh, kasi umaasa pa rin ako sa’yo. Kaya kung sinasabi mong tanga
ka, mas tanga ako sa’yo.”
Pinunasan
niya ang luha ko, at inayos ang aking buhok. Nagyaya na akong umuwi dahil pagod
na akong mag isip ng kung anu ano.
continue reading...
September - VI
continue reading...
September - VI
No comments:
Post a Comment