“See you
tomorrow.”
Yan ang text
ni Neil sa akin pagkatapos niya akong ihatid sa bahay galing sa Skyranch.
Susunduin niya daw ulit ako bukas sa work, at ihahatid sa bahay. Tumanggi ako
kasi kahit papaano nahihiya rin ako sa kanya. Mahaba ang oras ng binibyahe niya
papunta sa work ko at pauwi.
Neil: “Ano ka
ba? OK lang sa akin iyon. Kasi ang tunay na nagmamahal, nag e-effort.”
Mukhang hindi
nadala ang loko sa mga pinagsasasabi ko sa kanya. Kung minsan nakakainis na
yung kulit niya. Kase tinataboy ko na nga siya eh, pero pinagpapatuloy pa rin
niya yung mga efforts kuno niya sa akin. And honestly, hindi ko nakikita na
sincere siya sa mga ginagawa niya sa akin. Kahit na sino naman kase kayang
gawin yung ginagawa niya, makuha lang ang gusto, di’ba? At hindi ko pa rin kasi
nakakalimutan yung mga pangloloko niya sa akin noon. Nambabae siya at pinerahan
pa niya ako. Sinamantala niya yung long distance relationship namin noon. Hindi
siya naging fair dahil ako naging loyal sa kanya, samantalang siya, hindi. Pero
oo, alam kong matagal na iyon. Dapat na akong magparaya sa nakaraan at kalimutan
na ang mga iyon. Pero mahirap para sa akin eh… Kasi doon ko siya nakilala. Sa
tuwing naaalala at nakikita ko siya, isang salita ang laging pumapasok sa isip
ko – manloloko. Marami na akong binigay na chance sa kanya noon, pero lahat ng
iyon sinayang lang niya. Kaya hindi niya dapat ako sisihin kung bakit ganito katigas ang puso ko sa kanya.
Pero naisip
ko bigla, bakit hindi ko subukang gumanti sa mga pangloloko niya sa akin noon?
Tama! Baka ito na yung chance ko para ibigay ang karma niya. If this time
talagang seryoso na siya sa akin, ako naman ang makikipaglaro ngayon, nang
maramdaman naman niya kung gaano kasakit yung ginawa niya sa akin noon.
Nagkita ulit
kami kinabukasan after work, and he just did the same thing – siya ang nagsuot
ng helmet para sa akin at inalalayan akong makasakay ng motor. But this time,
kumapit na ako sa likod niya. Kapit lang, hindi yakap. Sa byahe parang close na
close kami. Nagkamustahan kami. Ikinuwento daw niya sa officemates niya ang
muli naming pagkikita. May ilan daw na nagalit dahil may boyfriend naman daw
ako, pero nakikipagkita pa rin ako sa kanya. Pinaglalaruan ko lang daw siya. Sa
isip ko edi wow. Hindi naman nila alam kung naging sino si Neil sa akin noon. Tumawa
na lang ako. Pero sabi pa niya, pinagtanggol niya ako sa mga iyon dahil hindi
naman nila alam ang totoong story. Alam ko ang nasa isip ni Neil. Sinasabi
niyang nahihirapan at nalulungkot ako dahil malayo sa akin si Baron. Totoo
iyon, and actually, aminado akong ginagawa kong past time ngayon si Neil. Iniisip
ko na sana nagagawa din ni Baron yung mga ginagawa sa akin ni Neil ngayon. Si
Neil ang nakakasama ko ngayon, pero kahit na naging malamig si Baron sa akin,
siya pa rin ang mahal ko. At sa tuwing minamaliit ni Neil si Baron, pinagtatanggol
ko pa rin siya at siya pa rin ang lagi kong bukambibig at binibida sa kanya. Si
Baron pa rin ang pipiliin ko dahil siya ang mahal ko. Hindi na babalik ang
pagmamahal ko kay Neil. Hinding hindi na.
Dumaan muna
kami sa palengke para bumili ng prutas. Ibibili daw niya ako. Dapat daw ako
kumain ng prutas para hindi maging lapitin ng sakit. Sobrang payat ko daw, at
baka nagpapabaya ako sa sarili ko.
Me: “Ayoko
lang tumaba.”
Neil:
“Mataba? Eto ang mataba (himas sa tiyan) ako mataba, ikaw hindi.”
Dumaan din
kami sa isang drugstore para bumili ng vitamins. Ibibili daw niya ako. Gusto
kong matawa nung mga oras na iyon kase feeling ko nahuhulog na siya sa bitag
ko. Sige lang Neil, kaunti pa. Ginusto mo ito, di’ba?
Bago kami
tuluyang dumiretso sa bahay, dumaan muna kami sa isang store para bumili ng mga pasalubong para sa mga workmates niya. Magkahawak ang kamay namin habang naglalakad. Hindi ko na
iniisip na may makakita sa akin at may makapag sumbong kay Baron.
Me: “Kalamay
lang naman ang bibilihin mo. Kay daming bilihan ng kalamay, papadpad ka pa
dito sa lugar namin?”
Neil: “Eh
dito kasi sikat. Saka para kahit man lang mabusinahan kita pag napapadaan ako
sa bahay niyo.”
Ang layo
talaga ng nararating ng motor nito ah. Ilang babae na kaya ang naisakay niya
dito?
Mag a-alas
otso na. Nagyaya siyang kumain muna bago umuwi, pero tumanggi ako dahil pagod
na ako ng mga oras na iyon at may pasok pa kinabukasan.
Me: “At saka
malayo pa ang byahe mo pabalik. Mag aalala lang ako."
Oo, sinabi
kong mag aalala ako. Kunwari lang para tuluy-tuloy lang ang pagkakahulog niya
sa bitag ko. Hindi na siya tumanggi at inihatid na ako sa amin.
Inalalayan
niya ako pagbaba at siya na rin ang nagtanggal ng helmet na suot ko. Bubuksan
ko na sana ang gate namin nang bigla niya akong hinila paharap sa kanya at
niyakap nang mahigpit, pagkatapos ay hinalikan sa noo. Nagulat ako at natulala. Parang may biglang kumiliti sa puso ko. Nagbukas ang ilaw namin sa labas. Lumabas ang mom ko sa
pintuan at nakita niya kami. Magiliw na bumati ng magandang gabi si Neil kay
mom, at nagpaalam na rin na aalis na. Sinabi rin niya kay mom na sadya niya talaga
na ihatid ako pauwi. Nagpapalakas kay mom, huh? Pero ngumiti na lang ako imbes
na ipakitang naiinis ako. Ako pa kasi ang papagalitan ni mom pag ganon.
Kinausap ako
ni mom sa loob ng kwarto ko. Nakita niya ang mga bitbit ko na galing kay Neil.
Mom: “Kailan
pa kayo nagsimulang magkita ulit? At bakit ka umaangkas sa motor? Pag nalaman
yan ng dad mo, nako…”
Tahimik lang
ako habang nakikinig sa sermon niya.
Mom:
“Nanliligaw ba si Neil sa’yo?”
Me: “Yata…”
Mom: “Tigilan
mo yang kalokohan mo. May boyfriend ka na.”
Natulala na lang ako
pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Nahiga na ako pagkatapos, at iniisip
si Neil. Nakauwi na kaya siya? Biglang bumuhos ang ulan. Nag aalala sa kanya. Seryoso.
continue reading...
September – V
continue reading...
September – V
No comments:
Post a Comment