Featured Posts

Atok, Benguet Escapade (and Team Lakay Gym Side Trip)
Our Second Visit in Baguio City 2020
La Union 2020 Comeback Story
Swiss Inspired Staycation at Crosswinds Tagaytay
My South Cebu Experience 2019

Saturday, October 15, 2016

September - VI

Lutang ang utak ko sa antok pagkagising kinabukasan. Napuyat ako kakaisip at namugto ang mga mata ko kakaiyak. Nagising na lang ako sa text ni Neil.

Neil: “Masakit para sa’kin ang nangyari kagabi, pero hindi pa rin ako susuko hanggang sa ma-realize mo na ako ang karapat dapat para sa’yo. Susunduin ulit kita mamaya.”

Masyado nang desperate si Neil, kaya parang naiisip ko na umiwas na lang ulit sa kanya. Hindi na bale ang plano kong gumanti sa kanya, kasi ayoko ng ganitong pakiramdam na parang imbes na siya ang dapat mahulog sa bitag ko, eh ako yung nahuhulog ulit sa kanya. Oo, may chance na magbago ang isip ko. May chance na balikan ko siya. Sabi ko noon gagamitin ko lang ang mga efforts niya, pero ngayon parang naa-appreciate ko na ang lahat ng mga iyon. Dati iniisip ko lang na kaya niya ginagawa iyon para lang lokohin ulit ako, pero ngayon parang nagkakaroon na ng halaga para sa akin lahat ng ginagawa niya. Parang gusto ko nang kumawala ng tuluyan sa pangit na nakaraan ko kay Neil dahil ngayon may chance na mahalin ko ulit siya. Pero ayaw ko pa rin aminin sa aking sarili dahil may parte pa rin sa puso’t isipan ko na nagsasabing ayaw ko na, na dapat ay tigilan ko na ang kalokohang ito. Ang pakay ko lang naman talaga ay gumanti, pero mukhang bibigay na ako. Iiwas na lang ako. Ayoko nang madagdagan ang sakit na nararamdaman ko, at ayoko nang makapanakit ng ibang tao.

Me: “Next time na lang, Neil. May ibang susundo sa akin.”
Neil: “Sino? Siya ba?”

Hindi ko na siya ni-reply-an. Alam kong si Baron ang iniisip niya na susundo sa akin, pero ang totoo ay wala naman. Uuwi lang ako mag-isa. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagtext ulit siya.

Neil: “Sige, ingat kayong dalawa sa byahe.”

Umuwi nga ako ng mag-isa. Nami-miss ko agad si Neil. Pero ayaw ko pa rin aminin sa sarili ko iyon.

Kinabukasan, nagtext ulit siya at sinabing susunduin niya ulit ako after work. Pinayagan ko naman siya. 5pm kami nagkita doon ulit sa waiting shed sa labas ng work ko. Nakangiti siyang bumati sa akin, pero may kakaiba akong napapansin sa kanya nung mga oras na iyon. Parang ang tamlay niya, kahit nakangiti.

Me: “May sakit ka ba? Ang tamlay mo ah…”
Neil: “Hmm… wala ah. OK lang ako.”
Me: “Nga pala, pwedeng daan muna tayo sandali sa SM? Magre-refill ako sa Aficionado ng pabango ko, ubos na eh.”
Neil: “Sure. Tara.”

Ang tahimik niya habang nasa byahe kami. Nawala yung kadaldalan niya. Hindi naman siya ganoon noong mga nakaraang magkasama kami. Nag-withdraw muna ako pagkarating sa mall. Biglang lumabas ang kulit niya nang matagalan ako sa ATM dahil ilang beses na niluluwa yung card ko.

Neil: “Ahem. May isang bata po dito, hindi marunong gumamit ng ATM. Hahaha!”

Kunwari nagtampo ako. Iniwan ko siya, naglakad ako ng mabilis, tapos tumakbo siya papalapit sa akin at inakbayan ako.

Neil: “Eto namang si Karina, hindi na mabiro.”
Me: “Leche!”

Bumalik ang kulitan namin. Sinamantala namin ang mga oras na magkasama kami. Para kaming couple kung mag holding hands. Nagyaya siya kumain, pero tumanggi ako dahil gusto ko sa bahay kumain. Papunta na kami sa store ng Aficionado nang mag suggest siya na dumaan muna sa Bench. May katropa daw kasi siya doon, at gusto daw niyang makamusta muna. Sa loob, nag ikot ikot lang ako habang nag uusap na sila ng tropa niya. Mayamaya ay bumalik siya sa akin at hinila ako sa section ng mga pabango.

Neil: “Eto, Karina… Try mo ito. Maalin dyan, lahat yan, pare-parehong mabango.”
Me: “Aficionado ang gusto ko dahil iyon ang gusto ni Baron para sa akin.”

Parang napalakas yata ang boses ko nung time na yun, at mukhang hindi lang si Neil ang napahiya ko kundi pati na rin ang sarili ko. Pero poise pa rin si Neil.

Neil: “Hmm… OK.”

Dumiretso na kami sa Aficionado. Pagkabili ay nagyaya na ako agad na umuwi. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko nung mga oras na iyon. Biglang nawala yung kulitan namin. Pareho na kaming tahimik.

Me: “Ang tamlay mo ah. OK ka lang ba talaga? Kanina ko pa napapansin yan eh.”

Tumango lang siya. Hindi na rin niya hawak ang kamay ko. And all of a sudden, bigla na lang siya nag toss ng coin.

Me: “Para saan naman iyon?”
Neil: “Basta.”

Biglang nag-ring ang cellphone ko bago pa kami nakalabas ng mall. It’s Baron. Napatingin na lang ako kay Neil, at tumango na lang siya, na parang sinasabing “sige sagutin mo na.”

Baron: “Kamusta? I miss you.”
Me: “I miss you, too. Wala ka nang klase?”
Baron: “Oo. Maaga rin ako lumabas ng school para mag-load. Pasensya na ha, natagalan bago ako nakapag load. Sobrang busy lang talaga. Alam mo na, nag a-adjust pa sa new work ko. Tara magkita sa Sabado? Uuwi ako. Intrams kasi dito next week, hindi masyado magiging busy kaming teachers.”
Me: “Uh… sige ba. Pag usapan natin yan pag uwi ko. Nasa SM kasi ako, nagpa-refill ng pabango. Pauwi na din naman ako. Text na lang kita.”
Baron: “Sino kasama mo?”
Me: “Wala, ako lang mag-isa.”
Baron: “Oh sige sige… Ingat ka pauwi ha. I love you.”
Me: “I love you.”

Lumingon ako kay Neil pagkatapos ng tawag. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.

Neil: “Tara na, hatid na kita.”

Sa parking lot, kinulit ko ulit siya. Ramdam ko kasing hindi siya OK. Napa-buntong hininga muna siya bago nakapag salita.

Neil: “Siguro, ito na ang huling pagkikita natin. Yung toss coin kanina? Ginawa ko iyon kasi nahihirapan na ako mag-decide para sa sarili ko. Kaya humingi na lang ako ng tulong sa piso. Gusto pa sana kita makasama, pero mag let go na daw ako sabi ng piso. At na-realize ko na lang din na kahit anong gawin ko, talo pa rin ako kay Baron. Wala eh… Hindi mo kasi pinapansin ang lahat ng mga ginagawa ko para sa’yo. Ewan ko ba kung manhid ka o hindi mo lang talaga inaalam na mahal talaga kita. Pero OK lang… Hindi ako manunumbat.”

Umiiyak na naman si Neil sa harapan ko. Nakatayo lang ako na parang tuod, hindi alam kung ano ang dapat kong gawin o maramdaman. Parang gusto kong matuwa dahil sa wakas I’m free from Neil, but at the same time, nalulungkot kasi feeling ko guilty ako na hindi ko siya binigyan ng chance.

Neil: “Honestly, nalungkot ako kahapon kasi si Baron ang naghatid sa’yo pauwi at hindi ako. Gulat nga ako eh, parang biglang nag iba ang ihip ng hangin. Ano kaya ang nakain nun at biglang nag effort din sa’yo? But good for you, hindi ka na malulungkot. I hope na ipagpatuloy ni Baron na mapasaya ka niya lagi. Ako naman, heto… Focus lang sa work at sa studies. At kung hindi ka na talaga babalik sa buhay ko? Di bale nang tumandang binata, dahil alam ng Diyos kung sino talaga ang sigaw ng puso ko. Pero kung may pagkakataon pa at biglang magbago ang isip mo, alam mo na naman kung saan ako pupuntahan. May babalikan ka pa.”

Gusto kong magpasalamat sa kanya dahil sa wakas ay pinapalaya na niya ako, pero nanatili na lang akong tahimik, dahil hindi rin ako sigurado sa nararamdaman ko noong mga oras na iyon. Nagyaya na siyang umuwi, at sa huling pagkakataon, maingat na isinuot niya sa akin ang helmet at inalalayang makasakay ng motor. Hindi ko na ulit alam kung paano hahawak sa kanya para ma-balance ang sarili ko. Kumapit na lang ako sa parteng matigas sa may tagiliran ng motor.

Pagkababa ay muling nagba-bye si Neil. Binilinan niya akong mag ingat lagi para hindi magkasakit o mapahamak. Binilinan ko naman siya na mag-ingat sa byahe pauwi.

Nahiga na ako agad sa kama pagkapasok ko ng kwarto ko. Para nang gustong sumabog ang dibdib at utak ko kakaisip. Kinuha ko ang cellphone at headset ko para mag soundtrip. Umiiyak na ako nang mag-play na sa kantang September by Daughtry ang soundtrip ko, pero hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Dahil ba gusto ko magsisi dahil hindi ko siya nabigyan ng chance o dahil hindi na ako makakagala sakay ng motor niya?

Kinabukasan ay may na-receive akong text galing kay Neil.

Neil: “Alam mo ba kung bakit sumasama ka pa rin sa akin? Kasi hindi mo maamin na may puwang pa rin ako sa puso mo. But don’t worry, hindi na ako mang aabala pa. Natauhan na ako. Sana maging masaya ka sa desisyon mo.”

Hindi ko na siya ni-reply-an pa.

Two months na rin ang nakakalipas mula noong huli kaming nagkita. Marami na agad ang nagbago, at masaya na ako ngayon with Baron dahil madalas na ulit ang pagsasama namin. Lalo kong minahal si Baron ngayon, at wala na ni gatiting na hangover galing sa pagsama ko dati kay Neil. Wala na ring Neil na nangungulit sa akin.

Matagal nang tapos ang sa amin ni Neil. Neil is not the right man for me, and there’s no right time for us.



missed the first part of the story?
start reading
here.

No comments:

Post a Comment