Featured Posts

Atok, Benguet Escapade (and Team Lakay Gym Side Trip)
Our Second Visit in Baguio City 2020
La Union 2020 Comeback Story
Swiss Inspired Staycation at Crosswinds Tagaytay
My South Cebu Experience 2019

Sunday, December 31, 2017

Goodbye 2017, Hello 2018!

Ang bilis ng panahon, noh? Parang kailan lang nung na-celebrate natin ang New Year's Eve 2017, ngayon isa na namang panibagong taon ang sinasalubong ng mundo.

Masaya, at marami akong pinagpapasalamat sa taong 2017. Marami akong natanggap na blessings, at marami din akong nagawang mga bagay na di ko akalaing magagawa ko.

Unang una dyan ay yung first time kong mag mountain hiking. Together with Team Lakbyahero, I was able to reach the summit of Mount Maculot, and take note, that mountain is 900+ meters high above sea level! It was not easy for a first timer like me, pero bilang isang nature lover, sobrang na-enjoy ko ang pag-akyat, as in no dull moment! Na-enjoy ko, maging ang pagtitig sa mga bulate. Haha. I am very lucky to be with the team kase inalalayan nila kaming joiners sa bawat pag hakbang, akyat, at gapang. Haha. They are so cool and funny, at talagang ino-observe nila ang LNT (Leave No Trace). Nakita kong malaki ang pagpapahalaga ng team sa pagpe-preserve ng ganda ng kalikasan.

Kaso dito din nangyare ang unang heart break ng 2017 ko. Alam mo yung feeling na nasa summit ka, tapos bigla kang makaka-receive ng text na sabi "naka-confine si tatay." Nag worry ako ng sobra, naiiyak, at nag iisip kung tatalon na ba ako o gugulong pababa ng bundok, makauwi lang agad at mapuntahan ang tatay ko sa hospital. Nabalitaan iyon ng team, so while we're on our way home, we prayed for the fast recovery of my tatay, and for our safe trip going back to our places. Maraming salamat talaga sa Team Lakbyahero. At iyon nga, after few days, nailabas din ng hospital si tatay. :)

Sumunod ay ang last dance ko with PHC Engineering Family. Last dance, kase I was still chasing for a bigger opportunity to develop myself, so after a year and a half, nag-decide akong mag-resign. I was happy because finally I got the courage to face new stage of my life, as in yung mag a-out of the shell ako, but not happy at the same time kase maiiwan ko sila. Mixed emotions. Hindi ko man naging ka-close ang lahat, may mga naipon naman akong masasayang moments na kasama sila, making it a bit difficult to leave them. Pero suportado sila sa naging desisyon ko, so it was not that hard to take a step away from them. Alam ko naman sa sarili kong nakapag-serve ako sa kanila ng maayos, at na-satisfy ko sila sa nai-perform ko sa trabaho.

J.Co na lang siguro para sa kanila, kapag ako ay naka-visit. Haha.

So I have mentioned about leaving my previous job, dito ko nga na-experience ang magtrabaho sa Manila as a call center agent. Matagal na itong nasa bucket list ko. Gusto ko maranasan yung tumira sa malayo at mabuhay ng mag isa. Kung saan saan ako nag-apply. Isang beses nga sa pag a-apply ko, naligaw ako sa Makati. Haha. Hanggang sa nakarating ako ng Mandaluyong, at doon ako nakahanap ng trabaho. At... hindi naging madali sa akin ang lahat. Isang buwan lang yata ako don. Haha. Sooobrang hirap para sa katulad kong family-centered. Well, kaya ko naman, kaso sumabay noon yung break up namin ng boyfie ko, tapos namatay pa yung paborito kong pusa na si Pepper, so working there turned not easy for me. Laging kulang ang dahilan ko araw-araw para lumakas at ma-motivate sa workToxic pa yung account, as in, basura. Haha. Sorry sa term. But it is what it is, as that is what I have noticed while I was still there, many employees come, but leave after few weeks. Anyway, there are happy and funny moments pa rin naman while I was living in Manila. I met awesome people. Bukod sa pamba-bash sa account namin, kain at inom ang trip namin. Haha. Hindi ko makakalimutan yung bumiyahe ako from Shaw to Cavite ng lasing. Haha. Drunken Mustard. Malaking grupo kami noong una, pero dahil nga sa pangit yung account, unti-unti din kaming nababawasan. Pero hanggang sa pinakamaliit na grupo na nakasalamuha ko, rakenrol lang kami hanggang sa huling araw ko doon.

Habang nasa Manila ako, doon ako dinadalaw ng ex ko. Haha. Kaynes. Nakaramdam na naghiwalay kami ni boyfie. Kaya nag-effort sa akin at sa pamilya ko para mapasaya ako. Kung anu-ano ang dinadala sakin - pagkain, reviewer, at ginagala niya ako minsan pag may time. Siya nga yata ang dahilan kaya naipasa ko ang sub-pro civil service last March. Kaya salamat din sa kanya for making me feel better sa mga panahong bumibigat ang pakiramdam ko. Sinalo niya lahat ng hinanakit ko, kahit ba alam kong nasasaktan din siya.

Pero, ex is ex. Hindi ko na talaga kaya ibalik yung dating kami.
Sorry.
:(
NEEEEEXT!!!

Bagong trabaho! This time, within Cavite area na lang. Malayo pa rin sa amin, but I feel better now that I'm living with my family again. At kami na ulit ni boyfie. Haha. Malaki ang pasasalamat ko sa isang taong tumulong sa akin makapasok sa isang magandang kumpanya gaya ng pinapasukan ko ngayon. Mas natutulungan ko ngayon ang family ko. Ako na nagbabayad ng lahat ng bills sa bahay. Haha. Nakatagpo din ako dito ng mga awesome na tao. Iba-iba ang personality, pero cool silang lahat. Haha. Astig. Mababait sila sa akin, at hindi ko alam kung ako ba eh nakatagpo ng mga taong kayang sakyan ang personality ko, o ako ba eh nagbago lang at natutong makihalubilo sa iba't ibang klase ng tao. Ano nga ba? Basta, I am happy with the job I have right now.

Sumunod ay ang backpacking DIY travel namin ni boyfie sa Layag-layag Beach, Batangas. At first, naghe-hesitate si boyfie kase he's not into adventure. Hindi katulad ko na adventurous. Nakuha lang talaga siya sa pilit. Haha. But see, no regrets din ang lolo mo! Nag enjoy din siya. Nag enjoy kami. That day brought us lots of "first time" experiences. First time niya sumakay ng bangka, first time namin magtayo ng tent, first time namin makarating sa isang napakagandang beach kagaya nito. And we are looking forward for more! Ngayon pinipilit ko naman siyang mag mountain hiking. We'll see. Haha.

Sumunod ay ang pagbabalik ko sa cosplay after one year. I had my Seras Victoria photoshoot with a photographer I have met when I was working at PHC. Seras Victoria is from the anime Hellsing Ultimate, and she is one of my favorite characters I want to portray someday. And thanks to sir for making this dream of mine come true. But honestly, cosplay is not part of my priorities anymore. It's now not part of my hobbies either. I mean, mahaba ang panahon na lumipas, and many have changed. Now I'm more into prioritizing my family. So this 2017, I have decided that at the age of 25, I will quit cosplaying. For good. I even started selling some of my cosplay stuff. I wont feel bad about my decision. Kase family talaga ang priority ko ngayon. At travel na rin siguro. Haha. #SingleFeels.

Speaking of travel, isa pa sa bucket list na na-achieve ko ay ang mag-ConDoing (vacation sa Condo, haha) with my sister. Doon kami sa Tagaytay (oh di'ba, ang layo sa amin? Haha.) Tamang walwalan lang na walang inom. Puro kain lang at picture-picture. Haha. Tamang chill lang sa sobrang chill na place dahil napakalamig doon. Haha. Finally, nagkaroon din kami ng time ng kapatid kong makapag bonding kase since na mag-work siya sa *toooot*, wala na kami nagiging bonding. Nagkikita sa bahay, pero walang bonding. Saka puro siya boyfriend! Asar! Buti nai-push namin ang araw na ito kase this day also helped her to forget (somehow) all the bullsh*ts she experienced while working at *toooot*. Buti na lang at nag-resign na siya ngayon doon, and now, she have time to heal for a while bago ulit sumabak sa world full of jobs and taxes. Haha.

And lastly, ang Christmas dinner date namin with my family! Why is it a memorable one for me? Kase, night time naman this time. Yes, night life and bonding with my family for the first time! Haha. We usually go out during Christmas and have lunch in a *fancy* restaurant, but this time, naging advance ang celebration namin. This is because may duty kinabukasan ng umaga si tatay. So, dinner na lang. Haha. Short lang yung time namin to decide where to go and what to eat. Doon kami napunta sa Tagaytay. We left home around 6PM, and we went back home at 10PM. Magchi-chill pa sana kami sa Starbucks, pero halos lahat ng stores doon eh maaga nagsara para sa noche buena (yes, we don't do noche buena, but we have our yearly Christmas family reunion every evening of December 25). Haha. Poweeer!

These are just some of my happy experiences from the year 2017. Marami pa akong masasayang bagay na na-experience, at hindi ko lang maisa-isa sa blog kong ito dahil sa kagaya kong makakalimutin, kailangan ko pang halukayin ang gallery ko para ma-recall lahat ng nangyare sa akin sa taong ito.

Pero para din naging roller coaster ang 2017 ko dahil may mga lungkot at sakit din akong na-encounterMaraming heartbreaks ang nangyare. Gaya nga ng nasabi ko kanina, my boyfie and I broke up. Pero kami na ulit. Sana hindi na maghiwalay pa.

Maraming nanakit sa akin. Marami din akong nasaktan. Pero ngayon sinusubukan kong magpatawad, humingi ng tawad, at kalimutan ang lahat ng sakit. Kase naman, move on din pag may time! Haha! Ano ba? Ayokong tapusin itong blog na ito ng malungkot. Haha. Unang blog ng taon, malungkot? No way! Haha.

Above all, natapos ang 2017 na wala akong major major sakit! Naging sakitin ako since 2013. At natutunan ko sa taon na ito na ingatan ang sarili ko para hindi na magkasakit pa. Sana ma-maintain ko ito hanggang sa mga susunod pang mga taon. At sana wala na din heartaches and heartbreaks! P*ta. Haha.

Marami pa sa list ko ang hindi pa nagagawa, at madadagdagan pa. Sana ma-achieve ko ang lahat ng ito. At sana lahat ng backlogs ko matapos ko na. Ang dami ko pang pending na pang 2014 pa. Kaynes. Haha. I know I can do this, with the help of God.
WELCOME 2018! RAKENROL TO THE WORLD! HAHA!

Saturday, December 9, 2017

Seras Victoria (Hellsing Ultimate) Cosplay

Character: Seras Victoria
Series: Hellsing (Ultimate)
Date: November 4, 2017
Venue: Tejero, Cavite
Photographer: Charlie Rae Pabelonio 























Saturday, November 4, 2017

Turning Japanese at Yokocho Japanese Food Court

One of the favorite things my boyfie and I love to do together is to eat. And for our 5th anniversary, we went to Yokocho Japanese Food Court. It is located at the Victory Food Market, Paranaque City, near Baclaran Church. 




There are lots of authentic Japanese food that you can try at Yokocho at very affordable price. Plus, they offer free wearing of their Japanese traditional costumes (for photo ops only, they don't allow wearing it while eating) for a complete Japanese experience. So why worry about saving money for a trip to Japan, when you can experience it here at Yokocho. Very accessible na, mura na, masarap pa!









(They also sell goodies from Japan. So you can buy a pasalubong like you're a balikbayan from Japan. XD )

(There's a space at the balcony if you feel eating outside.)

(At the left photo is crushed ice with milk and strawberry and nuts on top, i forgot the name. haha. Basta para siyang mais con yelo, pero strawberry ang sahog. So... strawberry con yelo XD It's the strawberry caramel crepe at the back, but i lost the pic of it T_T Then it's the Sapporo beer at the right.)

(Seafood Ramen)

(Pork Katsu Bento)

(Mixed Sushi)

(Yakisoba)

(Takoyaki)



Sunday, September 24, 2017

Samyang's Buldalkbokkeommyun: The Other Way!

Happy morning beautiful people!

Today is Sunday, and this morning, I prepared a fiery breakfast for my family. We had a spicy noodle for breakfast: the Samyang's Buldalkbokkeommyun!
This korean noodle took the attention of people around the world, and later on, became a challenge because it is not your kind of noodle. This is veeery spicy with 4,404 SHU! Following the bandwagon, I tried a different way of cooking this very popular ramyun. I'm happy with the result! Here's the recipe.


INGREDIENTS
-1 tablespoon olive oil
-garlic
-onion
-red pepper
-sausage
-egg
-cheese
-1 cup water
-Samyang's Buldalkbokkeommyun

INSTRUCTION
-Saute garlic, onion, red pepper and sausage.
-Add water, then put the noodle. Wait until boil. 
-Add the sauce packet, stir and leave for 2 minutes.
-Remove it from the pan, and add the seasoning packet, egg and cheese while it's still hot.
-Serve. :)



Thursday, June 1, 2017

May 2017 isn't Good for Me :'(

I'm serious at the moment.

May 2017 isn't good for me.

It's like in just a snap i lost some of my friends. Kung kailan may pambili na ako ng J.Co at sushi i can't drop by to see them. I miss them. I'm very angry on that person who caused this, & wtf she acts like she's the victim on the situation. We weren't that close but i trustED her since highschool, and until now i keep all her secrets she shared to me even i'm like i wanna fight her now and make revenge pero hindi kaya ng konsensya ko. I don't wanna go back to old, war-freak me. Every night napapaisip ako, napapaiyak minsan, nagtatanong, bakit ganon? Bakit kahit gaanong ingat at iwas ko sa mga ganong klaseng tao they keep on crossing (& ruining) my life. Hindi naman ako kabaitan, but what i've done to them? God knows mga katulad nila ang dahilan kung bakit introvert ako ngayon, distant to people due to trust issue. I already encountered lots of fake people, lies, broken promises, heartbreaks, etc. Ang liit na nga ng circle of friends ko. Why i still have to experience this?

Another thing is yung nangyayare sa Mindanao ngayon. Yeah i know matagal nang may gulo dyan, pero grabe na ngayon. Nakakadurog ng puso. And at the same time, i'm terrified. I really hate violence, i'm scared of it. Kung may mas nakakatakot pa sa multo, then it's the reality-reality na kahit saan hindi na nawawala ang violence. I still remember, one person i respect (until now, he's a manager btw) threw a joke to me over the phone out of nowhere: "Gusto mo ipa-riding in tandem kita?" It's... it's not a good joke for me! It scares me! I still remember several years ago, our neighbor (dikit bahay lang namin) died from 3 gunshots hit his head and chest. I was still awake that time, a moment later i heard cries & shouts, asking for help. And few weeks ago, an unknown person on a motorcycle passed in our area fired gunshots in the air. Dati every afternoon nagja-jogging pa ako sa lugar namin, pero ngayon hindi na because crime is everywhere, i'm now afraid to go outside of our house. I barely sleep, i'm even having nightmares sometimes because of violence i saw from the news. I even don't wanna talk about politics. Bakit ganon? I'm willing to surrender everything, matupad lang hiling ko-Peace on Earth (akala siguro ng ibang nakakaalam nito, nagjo-joke lang ako).

Oh God. May pa lang po ngayon. Ano pa? Ano pa ba mae-encounter ko sa mga susunod na buwan?

Friday, May 12, 2017

Summer 2017: Layag Layag Beach, Nasugbu, Batangas

Buwan na ng Mayo, matatapos na ang summer, at hindi ako makakapayag na hindi makapag beach. Kaya naman nagplano kami ng boyfie ko na magpunta sa isang beach sa Nasugbu, Batangas - sa Layag Layag Beach.



Kamakailan lang naging popular ang beach na ito. Ang Layag Layag Beach ay makikita sa Barangay Papaya, Nasugbu, Batangas. Nakilala ang beach na ito sa kanilang crystal clear water. Kaya naman na-excite kaming magpunta dito kase ito yung first time na makakarating kami sa isang magandang dagat kagaya nito (may pagpilit pa ngang naganap kase my boyfie's not into adventure like this XD). Accessible lamang ang lugar na ito sa mga private vehicles, and tricycles. Madali lang ang biyahe para sa mga may sariling sasakyan, medyo inconvenient naman sa mga commuters gaya namin. Pero ako honestly, enjoy ko lang ang biyahe, kase on our way nakikita ko yung ganda ng nature ng Batangas gaya ng kanilang kabundukan. At saka travel lover 'to noh! Bawal maarte, haha! XD



Bago kami magpunta dito, nag-search ako sa internet ng contact person. Nahanap ko si Kuya Omar (I saw his contact number from the other blog). Siya ang nag organize ng land and boat transfers namin from Nasugbu Town Proper to Layag Layag. Nagpapa-rent siya ng tent and he sells ice and food sa place niya. Pwede ka magpaluto sa kanila - kanin, kape, ulam... with charge, of course XD May CR din sila para makapag banlaw bago bumiyahe ulit pauwi.

(Kuya Omar's Place.)



Sakay ng DLTB bus going to Nasugbu, Batangas, nagsimula ang biyahe namin from Crossing Mendez, Tagaytay at 4AM, then we arrived at Nasugbu Town Proper at 4:30AM. We already bought some snacks the day before, drinks and food for breakfast and lunch na lang yung binili namin nung mismong araw. Sa town proper, may 7Eleven don, saka fastfood like Jollibee. Doon kami bumili ng food for breakfast and lunch, nag intay kaming magbukas yon ng 5AM. While waiting, nag-picture taking muna kami.



Mula doon, bumiyahe pa kami ng 30 minutes papuntang Barangay Papaya sakay ng tricycle na pinadala ni Kuya Omar. From 5:30AM, nakarating kami ng 6AM sa kanila.


 (Sakay na po XD)

At 6:20AM, pagkatapos namin magpa-register, makabili ng ice, at maka-rent ng tent, sinimulan na namin ang boat ride papuntang Layag Layag Beach. Yay! Super excited!





(First time ni boyfie makasakay ng boat. XD)




(Ang linaw ng tubig, bes.. *o*)

And after 15 minutes... Yey! Layag Layag Beach na! ♥
Nag set up muna kami ng tent tapos nag almusal bago gumala. First time namin magtayo ng tent. But see... Success! XD











Alam kong sobrang excited na yung boyfie ko magtampisaw, pero sabi ko ikot muna kami bago maglangoy. Habang nag iikot kami, namumulot din kami ng mga basura (Guys, magandang activity ito kung magkakaroon kayo ng ganitong klaseng adventure. Yan ang natutunan ko noong nangakyat ako ng Mt. Maculot. Let's preserve the beauty of our nature!). Maliit lang ang Layag Layag beach, perfect for camping. Masasabi kong 30% white sand 70% pebbles dito. Kaya kung maglalakad-lakad ka, wear your sandals.









Hanggang sa ako'y na-excite na din magtampisaw... XD


(As you can see, few steps lang from the shore ay mayroong mababatong part. Hindi lang yan basta-basta mga bato, parang mga corals na rin yata yan. To be honest, para sa akin, hindi ideal ang beach na ito kung gusto mo maglangoy. Hindi yata lalampas ng 4ft yung malalanguyan mo dito. At habang nagtatampisaw ka, may makakasama kang mga isda. Kitang kita sila. Cute.)




(Tsunami!!! Char, peace! XD )


(Lunch time!)


(Pahinga and kulitan moment with boyfie XD )




Nakatulog kami for an hour. Nagtampisaw ulit pagkagising. Umulan, pero hindi kami nagpainda. Masarap palang maglangoy habang naulan? XD











Naglakad-lakad ulit kami bago umalis ng Layag Layag ng 4:30PM.






















(Magbabanlaw na po)

Nakabalik kami ng town proper ng 6PM, at naghanap kami ng makakainan for dinner. Dito kami napadpad sa isang lomihan. Nakalimutan ko yung pangalan ng store nila, pero masarap dito. 





(Pagod na po siya XD )

(Lomi Batangas. Poweeer!!!)

9PM na nang makabalik na kami ng Tagaytay. Nakakapagod pero super na-enjoy namin ang araw.

Mga Nagastos:
1000.00 pesos - roundtrip land and boat transpo for 2, from Nasugbu Town Proper→Kuya Omar's place→Layag Layag Beach
136.00 pesos - fare for 2, from Crossing Mendez, Tagaytay to Nasugbu Town Proper
156.00 pesos - fare for 2, from Nasugbu Town Proper to Olivarez Plaza, Tagaytay
40.00 pesos - environmental fee for 2, 20.00 pesos each
300.00 pesos - tent rental, good for 2
40.00 pesos - banlaw fee for 2, 20.00 pesos each
955.50 pesos - food, drinks and ice for 2. Sobrang sobra ito, di pa namin naubos XD

Kuya Omar
(Globe) 0997-994-4986
(Smart) 0912-647-3331