Featured Posts

Atok, Benguet Escapade (and Team Lakay Gym Side Trip)
Our Second Visit in Baguio City 2020
La Union 2020 Comeback Story
Swiss Inspired Staycation at Crosswinds Tagaytay
My South Cebu Experience 2019

Friday, May 12, 2017

Summer 2017: Layag Layag Beach, Nasugbu, Batangas

Buwan na ng Mayo, matatapos na ang summer, at hindi ako makakapayag na hindi makapag beach. Kaya naman nagplano kami ng boyfie ko na magpunta sa isang beach sa Nasugbu, Batangas - sa Layag Layag Beach.



Kamakailan lang naging popular ang beach na ito. Ang Layag Layag Beach ay makikita sa Barangay Papaya, Nasugbu, Batangas. Nakilala ang beach na ito sa kanilang crystal clear water. Kaya naman na-excite kaming magpunta dito kase ito yung first time na makakarating kami sa isang magandang dagat kagaya nito (may pagpilit pa ngang naganap kase my boyfie's not into adventure like this XD). Accessible lamang ang lugar na ito sa mga private vehicles, and tricycles. Madali lang ang biyahe para sa mga may sariling sasakyan, medyo inconvenient naman sa mga commuters gaya namin. Pero ako honestly, enjoy ko lang ang biyahe, kase on our way nakikita ko yung ganda ng nature ng Batangas gaya ng kanilang kabundukan. At saka travel lover 'to noh! Bawal maarte, haha! XD



Bago kami magpunta dito, nag-search ako sa internet ng contact person. Nahanap ko si Kuya Omar (I saw his contact number from the other blog). Siya ang nag organize ng land and boat transfers namin from Nasugbu Town Proper to Layag Layag. Nagpapa-rent siya ng tent and he sells ice and food sa place niya. Pwede ka magpaluto sa kanila - kanin, kape, ulam... with charge, of course XD May CR din sila para makapag banlaw bago bumiyahe ulit pauwi.

(Kuya Omar's Place.)



Sakay ng DLTB bus going to Nasugbu, Batangas, nagsimula ang biyahe namin from Crossing Mendez, Tagaytay at 4AM, then we arrived at Nasugbu Town Proper at 4:30AM. We already bought some snacks the day before, drinks and food for breakfast and lunch na lang yung binili namin nung mismong araw. Sa town proper, may 7Eleven don, saka fastfood like Jollibee. Doon kami bumili ng food for breakfast and lunch, nag intay kaming magbukas yon ng 5AM. While waiting, nag-picture taking muna kami.



Mula doon, bumiyahe pa kami ng 30 minutes papuntang Barangay Papaya sakay ng tricycle na pinadala ni Kuya Omar. From 5:30AM, nakarating kami ng 6AM sa kanila.


 (Sakay na po XD)

At 6:20AM, pagkatapos namin magpa-register, makabili ng ice, at maka-rent ng tent, sinimulan na namin ang boat ride papuntang Layag Layag Beach. Yay! Super excited!





(First time ni boyfie makasakay ng boat. XD)




(Ang linaw ng tubig, bes.. *o*)

And after 15 minutes... Yey! Layag Layag Beach na! ♥
Nag set up muna kami ng tent tapos nag almusal bago gumala. First time namin magtayo ng tent. But see... Success! XD











Alam kong sobrang excited na yung boyfie ko magtampisaw, pero sabi ko ikot muna kami bago maglangoy. Habang nag iikot kami, namumulot din kami ng mga basura (Guys, magandang activity ito kung magkakaroon kayo ng ganitong klaseng adventure. Yan ang natutunan ko noong nangakyat ako ng Mt. Maculot. Let's preserve the beauty of our nature!). Maliit lang ang Layag Layag beach, perfect for camping. Masasabi kong 30% white sand 70% pebbles dito. Kaya kung maglalakad-lakad ka, wear your sandals.









Hanggang sa ako'y na-excite na din magtampisaw... XD


(As you can see, few steps lang from the shore ay mayroong mababatong part. Hindi lang yan basta-basta mga bato, parang mga corals na rin yata yan. To be honest, para sa akin, hindi ideal ang beach na ito kung gusto mo maglangoy. Hindi yata lalampas ng 4ft yung malalanguyan mo dito. At habang nagtatampisaw ka, may makakasama kang mga isda. Kitang kita sila. Cute.)




(Tsunami!!! Char, peace! XD )


(Lunch time!)


(Pahinga and kulitan moment with boyfie XD )




Nakatulog kami for an hour. Nagtampisaw ulit pagkagising. Umulan, pero hindi kami nagpainda. Masarap palang maglangoy habang naulan? XD











Naglakad-lakad ulit kami bago umalis ng Layag Layag ng 4:30PM.






















(Magbabanlaw na po)

Nakabalik kami ng town proper ng 6PM, at naghanap kami ng makakainan for dinner. Dito kami napadpad sa isang lomihan. Nakalimutan ko yung pangalan ng store nila, pero masarap dito. 





(Pagod na po siya XD )

(Lomi Batangas. Poweeer!!!)

9PM na nang makabalik na kami ng Tagaytay. Nakakapagod pero super na-enjoy namin ang araw.

Mga Nagastos:
1000.00 pesos - roundtrip land and boat transpo for 2, from Nasugbu Town Proper→Kuya Omar's place→Layag Layag Beach
136.00 pesos - fare for 2, from Crossing Mendez, Tagaytay to Nasugbu Town Proper
156.00 pesos - fare for 2, from Nasugbu Town Proper to Olivarez Plaza, Tagaytay
40.00 pesos - environmental fee for 2, 20.00 pesos each
300.00 pesos - tent rental, good for 2
40.00 pesos - banlaw fee for 2, 20.00 pesos each
955.50 pesos - food, drinks and ice for 2. Sobrang sobra ito, di pa namin naubos XD

Kuya Omar
(Globe) 0997-994-4986
(Smart) 0912-647-3331

No comments:

Post a Comment